French Tea Party Ang Theme Ng Bridal Shower Ng Artistang Si Dianne Medina

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng actress-host na si Dianne Medina ang kanyang bridal shower. Ito ay may temang French tea-party na kinagigiliwan at hinangaan ng kanyang mga Instagram followers at mga social media users.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram




Makikita sa mga larawan ng naganap na bridal shower na ito ay punong-puno ng gold and glitter na dekorasyon, na kung saan ay lalong nakita at lumitaw ang ganda ng actress-host na si Dianne.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Ngayong buwan nga gaganapin ang nalalapit na kasal ni Dianne Medina sa kanyang longtime boyfriend na si Rodjun Cruz. Ang dalawa ay labing dalawang taon ng magkasintahan, kaya’t ang kanilang pagsasama ay pinagtibay na nga ng panahon.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Taong 2017 ng magproposed ang aktor na si Rodjun Cruz kany Dianne Medina, ito ay itinaon ng aktor sa araw ng kanyang kaarawan upang hindi magkaroon ng ideya ang dalaga na magaganap dito ang isa sa pinakamasayang araw sa kanilang buhay.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Ayon pa sa aktor ang akala ng dalaga ay isa lamang itong simpleng gathering at pagdiriwang ng kaarawan ng aktor sa The Lind Boracay, isa din si Dianne sa mga umawit ng “Happy birthday “song para sa kanya.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram
Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Bago matapos ang pag cecelebrate ng kaarawan ni Rodjun ay nagpasalamat siya sa mga taong pumunta at dumalo sa kanyang kaarawan at sinabi niya na sa araw na iyon ay may isa siyang kahilingan na nais niyang matupad.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram
Photo Credit: dianne_medina/Instagram

At sa hindi inaasahang pagkakataon, ay ikinagulat ni Dianne ng biglang lumuhod si Rodjun sa kanyang harapan at nagtanong pa nga si Dianne sa mga taong naroroon kung totoo ban a nagpopropose na ang aktor sa kanya.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram
Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Ayon sa aktor, matagal niyang pinag-isipan at pinagplanuhan kung ano ang gagawin niya na pagpropropose sa kanyang nobya ng si Dianne na hindi man lang ito magkakaroon ng kahit anong ideya, na talagang masusurprise siya.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

 

 

“Parang naisip ko na siya two years ago. (Naisip ko siya gawin) sa 30th birthday ko.
“Si Dianne, magaling siya eh so malalaman niya eh. Gusto ko pag ginawa ko yung proposal, nagpropose ako sa kanya na magugulat talaga siya, hindi niya malalaman.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram

Wala siyang idea. Tinayming ko na birthday ko kasi ang maisip niya talaga, parang celebration lang talaga. Kasi pag nag celebrate ako ng birthday ko family talaga ang kasama ko.” Nagsasaad ng aktor kung paano niya plinano ang naging proposal niya kay Dianne.

Photo Credit: dianne_medina/Instagram




Sa December 21 gaganapin ang kasal ng magkasintahang Rodjun at Dianne, ito ay sa Manila Cathedral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *