G Toengi Inilahad Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Iniwan Ang Mundo Ng Showbiz Sa Kabila Ng Pamamayagpag Ng Kanyang Karera

Isa sa mga sikat na aktres noong dekada 90 na talaga namang namayagpag ang karera dahil sa kanyang kahusayah sa pagiging isang aktres ay si G Toengi. Maliban pa sa pagiging isang mahusay na aktres ay hindi rin maitatanggi na isa siya sa mga artista na may pinakamagagandang mukha sa industriya ng showbiz.




Ilan nga sa mga hindi malilimutang pelikula na ginawa at kinabilangan ni G Toengi ay ang “Aryana”, “Istokwa” at “Luksong Tinik”. Dahil nga marami rin siyang mga nagawang pelikula at proyekto noon ay hindi maitatanggi na isa siya butuin sa industriya ng showbiz na namamayagpag ang karera.

Photo Credit: gtongi/Instagram

Kaya naman naging katanungan sa kanyang mga tagahanga noon, ang naging pagkawala niya sa showbiz, sa kabila ng napakagandang takbo ng kanyang karera at kasikatan bilang isang mahusay na aktres.

Photo Credit: gtongi/Instagram

Dalawampu’t taon na rin ang lumipas mula ng hindi na nga natin napapanood sa anumang mga proyekto o pelikula ang dating aktres na si G Toengi. At makalipas nga ang ilang taon, ay kamakailan lamang ay matapang ng inilahad ng dating aktres sa publiko ang tunay na dahilan ng magdesisyon siyang bitiwan ang kanyang karera bilang isang aktres at tuluyang iwan ang mundo ng showbiz.

Photo Credit: gtongi/Instagram

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam ng Kapuso host na si Vanessa Del Moral sa isang video call interview ang dating aktres na si G Toengi , at dito nga ay inihayag ng dating aktres ang kanyang naging dahilan para iwan ang showbusiness. “90’s ‘it girl, dire-diretso, tuloy-tuloy ang project. Sobrang sikat na sikat. Why leave and stop showbiz? isa sa mga naging tanong ni Vanessa.

Photo Credit: gtongi/Instagram

Heto naman ang naging kasagutan at pahayag ni G Tongi; That’s a hard question Vaness because I didn’t understand it 20 years ago when I left. But now when I’m older I understand that there were things that just didn’t feel right.”

Dagdag pa ng dating aktres, “Ang ibig sabihin lang nun, maski sikat ka, may trabaho ka, pag alam mo na hindi yon yung mga bagay na nafu-fulfill sayo… it wasn’t material, it wasn’t superficial. It was I didn’t understand the disparity in the Philippines on why ang daming naghihirap tapos ang daming umaalis ng bansa.”

¬Ibinahagi rin ni G Toegi na ilan pa sa dahilan na nagtulak sa kanya upang magdesisyon na iwan ang showbusiness ay ang naging pagkawala ng kanyang ina at ang pagiging isang single mom niya.




Inamin din ng dating aktres na sa kanyang ginawang desisyon ay nakaramdam din siya ng panghihinayang, ngunit sa kabila nito, sinabi rin niya na hindi lang ang mga materyal na bagay ang mahalaga sa buhay ng isang tao.

Hinangaan naman ng host na si Vanessa ang dating aktres, dahil sa kabila ng mga dagok at pagsubok na pinagdaanan nito sa kanyang buhay ay patuloy itong naging matatag at malakas ang loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *