Gaano Na Nga Ba Kayaman Ang Sample King Na Si Jong Hilario?

Wala naman raw bayad ang mangarap kung kaya’t marami sa atin ang nangangarap ng lubos. Ang iba’y impossible, pero kung ito’y ating paghihirapan at pagsusumikapan ay tiyak na ating makakamtan ang aking minimithing kaginhawaan para sa ating sarili at sa aking pamilya. Dahil na rin sa kanila kung kaya’t kumakayod tayo ng todo-todo. Maliban pa rito, karamihan ng mga taong maginhawa na ang buhay ngayon ay naranasan na ang pait ng nakaraan kung kaya’t ginawa nila ang lahat para maayos ang kanilang buhay.




Isa sa mga patotoo dito ang It’s Showtime host na si Jhong Hilario. Nakilala si Jhong Hilario noong dekada 90 kung saan kabilang siya sa dating dance troupe na Streetboys. Kilala at sikat noon ang Streetboys. Matapos nito, tila nagkaroon ng paghina ang karera ni Jhong sa telebisyon. Pero nitong mga nakaraang taon lamang ay umusbong na namang muli ang kanyang mukha at pangalan sa telebisyon.

Nakilala si Jhong sa It’s Showtime dahil sa kanyang mga nakakapigil hininga ng mga “sample” kung kaya’t tinawag siyang “Sample King.” Dahil rin dito kung bakit kinuha na siya ng It’s Showtime para maghost araw-araw.

Ito rin ang naging mitya upang tumakbo siya bilang konsehal ng siyudad ng Makati kung saan tinanggap naman siya ng mga residente upang maglingkod sa kanila. Dahil sa kanyang pagpupursige, hindi na rin nakapagtataka na malaki na ang naipundar ni Jhong Hilario na mga ari-arian. Sa edad na 42 ay maayos na ang kaniyang pamumuhay dahil may maganda na siyang bahay at kotse. Sa katunayan ang pinakahuling net worth ni Jhong ay nagkakahalaga ng 11 milyong piso!

Bagama’t ganito kayaman si Jhong, hinding-hindi mo mapamahalaan ang kanyang pagiging maluho. Kung titingnan mo siya ay pinaka simpleng tao lamang at parang walang kaluho-luho sa kanyang katawan. Marahil ito ang dahilan kung bakit minahal rin siya ng masa sa Makati at pati na rin ng “madlang people.”




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *