Gabby Concepcion Ipinagluto Ang Kanyang Mga Katrabaho Dahil Sa Pagiging Ok Lahat

Ipinagmamalaki ng aktor na si Gabby Concepcion ang mga kasamahan niyang artista sa upcoming Kapuso series na “First Yaya”, kung saan ayon sa kanya, ay okey na okey ang kanyang mga katrabaho at walang “nega” sa set nila.




“WALANG negative sa set naming, lahat okay”, ang naging pahayag nga ng leading man ng First Yaya na si Gabby Concepcion.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Ang upcoming Kapuso series na ‘First Yaya’ ay pagbibidahan ni Gabby at ang kanyang magiging leading lady na si Sanya Lopez. At ngayon nga ay natapos na umano nila ang second leg ng lock-in taping para sa nasabing romantic-comedy series.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Ayon kana Gabby at Sanya, ay ilang linggo din silang nanatili sa kanilang location kung saan sila nag-lock in taping, at dahil sa talagang naging pamilya ang turingan ng buong cast at production ay nag-click umano agad ang lahat, dahil bawat isa ay madaling pakisamahan.
Ibinahagi rin ng aktor, na okay na okay ka trabaho ang kanyang leading lady na si Sanya.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Ganun din umano ang iba pa nilang mga kasamahan sa serye, kaya naman kahit ang role niya sa nasabing serye ay Pangulo ng bansa, ay hindi siya nahirapan na gampanan ito ng ng maayos.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

“Mapagmahal sa kapwa at saka madali siyang pakisamahan, madali siyang barkadahan. Saka marami ring dalang pagkain ‘yan”, ani ni Gabby ng makapanayam sila ng GMA.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Dagdag pa niya, “Madalas ‘yung kasama ‘yung guys sina Pancho (Magno), sina Kiel (Rodriguez). Walang tao doon na hindi ko kasundo. Walang negative sa set naming, lahat okay”.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Para naman sa leading lady ni Gabby na si Sanya, ay sa kabila ng pagiging matinee idol ni Gabby, na isa rin sa mga tinitingalang artista sa industriya, ay wala itong karate-arte o kaere-ere.

“Sobrang generous niya. As in lahat. Kung saan kami masaya tatanungin kami, ‘Anong gusto niyo?’ Tapos nagluluto ‘yan para sa amin. At masarap siyang magluto. Mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin” ang chicka nga ng Kapuso actress.

Kwento pa ni Sanya, dahil nga sa masayang samahan nila sa set, ay nakagawa na sila ng grupo, at ito nga ay ang “The Dears”, kung saan ay kasama niya ang iba pang katrabaho niya sa serye, tulad nina Kakai Bautista, Thia Thomalla, Cassy Legaspi at Maxine Medina. Solid nga umano ang samahan bilang lima, ayon kay Sanya.

Samantala sa upcoming series na “First Yaya” ay gagampanan ni Sanya ang karakter ni Yaya Melody, na ma-i-inlove kay President Glenn, ang karakter naman ni Gabby Concepcion.




Ilan din sa mahuhusay na Kapuso actress at actor ang makakasama nila bilang cast sa nasabing serye, kagaya na lamang nina Joaquin Domagoso, Pancho Magno, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Rechie del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro at marami pa ngang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *