Gabby Concepcion Ipinasilip Ang Kanyang Farm Sa Lobo Batangas

Marami sa atin ngayon ang naka-quarantine sa ating mga tahanan, ito ay upang pagsunod natin sa gobyerno para maiwasan na ang pagkalat ng pandemic na Covid-19 sa ating bansa.




Maging ang mga hinahangaan nating mga celebrities, ay naging pahinga muna ang sandaling ito na naka Enhance Community Quarantine ang ilan sa mga lalawigan at lugar sa ating bansa. May ilang celebrity na naabutan ng ECQ sa kanilang mga tahanan sa Metro Manila, at meron din naman na nasa kani-kanilang bahay bakasyunan sa probinsya.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Tulad na lamang ng hinahangaan nating beteranong aktor na si Gabby Concepcion, na kasalukuyang nasa farmhouse niya sa Lobo, Batangas at doon siya ay naka-quarantine.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Kasalukuyan ngang namamalagi ngayon sa kanyang simpleng farmhouse, ang Amang Lobo Homestead sa Lobo, Batangas si Gabby sapagkat dito na siya naabutan ng ECQ.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

At dahil sa hindi nga makalabas, ay naging libangan ng aktor ang paglilibot sa kanyang farm at pag-aasikaso ng kanyang mga pananim at alaga rito.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ang aktor ng isang video kung saan ay makikita na mula sa kwarto niya ay masisilayan ang tanawing dagat.

Photo Credit: concepciongabby/Instagram

Maliban pa nga rito ay nagbahagi rin siyang muli ng isa pang video tour, kung saan ay ipinakita niya ang ilan sa kanyang mga pananim sa bakuran ng kanyang farmhouse at ang kanyang mga alagang hayop dito.




Makikita sa video ang napakaraming puno ng saging sa bakuran ng Amang Lobo Homestead ni Gabby, ganoon rin ang kanyang mga pananim na talong at oregano. Ipinakita rin niya ang kanyang mga alagang kambing at manok na maririnig pa sa video ang mga huni nito.

Nasilayan rin natin sa video tour na ito ang isa sa mga kasambahay ni Gabby sa kanyang farmhouse, na ayon sa kanyang ay ito ang nangangalaga sa kanyang garden, mga pananim at ganoon rin sa pagluluto ng kanyang makakain.

Pagkatapos naman ng ginawang video tour ng aktor, pagka-abalahan naman umano niyang ayusin at i-repair ang kanyang jetski.

Simula pa nga noong March 16, ay nasa farmhouse na niya sa Lobo, Batangas panunuluyan ang aktor na si Gabby Concepcion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *