Gabby Garcia Ibinahagi Kung Gaano Siya Ka Proud AtThankful Sa Kanyang Daddy

Sa naging pag-aayos ng aktres na si Gabbi Garcia ng kanyang mga kagamitan sa kanilang bahay ay muli niya ngang nasilayan ang kanyang mga childhood photo, na labis niyang ikinatuwa. At dahil dito ay agad niya ngang ibinahagi ang mga kyut na kyut niyang larawan nu’ng siya ay bata pa sa kanyang Instagram upang makita rin ng kanyang mga tagahanga ang mga childhood photo niya.




Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Gabbi na napaka-kyuta niya nung siya ay bata pa, idagdag pa ang kanyang pagiging chubby na nakakagigil naman lalo pa’t tila mga longganisa ang kanyang mga braso. Pagbabahagi ni Gabbi, dahil sa mahilig talaga siyang kumain nung siya’y bata pa kaya naman ganun siya kalusog.

Photo Credit: gabbi/Instagram

Napansin naman ng marami na tila bata pa nga lamang si Gabbi ay napaka-competitive na nito, base nga sa kanyang iba’t ibang costumes.
Ayon naman kay Gabbi, bata pa lang ay bidang-bida na siya dahil lahat ng mga scholl activities ay nais niyang subukan.

Photo Credit: gabbi/Instagram

Dagdag pa niya siya mismo ang nagbibigay ng challenge sa kanyang sarili para mas lalo pa niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral, kaya naman naging consistent honor student siya.

Photo Credit: gabbi/Instagram

May isang larawan naman si Gabbi ng kanyang modeling days na binigyan ng komento ng ilang mga netizens na para siyang isang tipikal na bata na pinipilit mag-pose sa kamera ng kanyag mga magulang. Agad namang sinagot ito ni Gabbi, na hindi umano siya kailanman pinilit ng kanyang mga magulang, at kapag siya ay nagpu-pose ay sariling pose niya ito.

Photo Credit: gabbi/Instagram

“My mom and dad never forced me, it was just me naturally posing and me wanting to be a mode”, ani Gabbi. Dagdag pa ng aktres, sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang dahil sa suporta na ibinigay ng mga ito sa kanya, lalo na ng gustuhin niyang mag-audition sa napakaraming mga modeling agencies kahit wala pa siyang natatanggap na talent fee.

Photo Credit: gabbi/Instagram

Nai-chika naman ni Gabbi na may pagkakataon pa noon na naging make up artist niya ang kanyang Daddy, dahil nang panahon na ‘yon ay isang flight attendant pa ang kanyang mommy at nagkataon na nasa trabaho ito. Masayang ikinuwento ni Gabbi na kahit isang lalaki ang kanyang Daddy ay nagawa nitong lagyan siya ng make-up,

Photo Credit: gabbi/Instagram

at hindi ito nahiya kahit pa nag iisa lang itong lalaki na nasa back stage noon na nag-aayos sa kanya. “He would do makeup, as in, nilalagyan niya ako ng nose line”, pagbabahagi ng aktres. Ayon pa kay Gabbi dahil mahilig sa crafts ang kanyang Daddy ay naalala niya na noon au binibilhan siya nito ng mga pambatang accessories kahit mahal ang mga ito.




Bumibili umano ang kanyang Daddy ng mga beads, at ito ay gumagawa ng mga bracelet at kwintas para sa kanya.

Para nga kay Gabbi ay napaka-Daddy’s girl niya dahil sa sobrang malapit siya sa kanyang ama at malaki ang respeto niya rito kaya naman lahat ng bilin nito ay talagang sinusunod niya. Ang kanyang Daddy rin umano ang madalasniyang kasama sa mga proyekto na ginagawa niya bilang isang aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *