Maraming mga Hero character tayong hinahangaan, at isa na nga rito ay ang babaeng super hero na nakilala ng marami bilang si “Wonderwoman”. Ngunit sino nga ba sa tunay na buhay si Wonderwoman?
Ang magandang babae na nakilala natin bilang ang hero character na si Wonderwoman ay kinilalang si Gal Gadot sa totoong buhay. Siya ay isang babae na hindi lamang maganda, kundi puno pa ng husay at talento sa pag-arte, kaya naman hindi kataka-takang nagampanan niya ng ubod ng galing ang pagiging si Wonderwoman.

Kung para sa atin ay si Wonderwoman si Gal Gadot, itinuturing naman siyang si Superwoman ng kanyang asawa at mga anak. Si Gal Gadot, ay kasal sa lalaking bumihag sa kanyang puso, at ito nga ay ang kanyang mister na si Jaron Versano. Ngunit sino nga ba si Jaron? Marami sa mga tagasuporta ni Gal Gadot, ang nais malaman kung ano ang personalidad ng lalaking bumihag sa kanyang puso at dahilan ng kasiyahan ng buhay pag-ibig niya.

Batay sa ilang mga ulat, si Jaron Versona ay isang real estate developer, na lumaki sa Amsterdam at nakapagtapos ng kkanyang pag-aaral sa New York Institute Technology. Siya at ang kanyang kapatid na si Gay Versona ay nagtayo ng isang real estate company, ngunit naibenta rin nila ito noong taong 2015.

Ang magandang pagtitinginan nina Gal Gadot at Jaron Versona ay nagsimula noong taong 2006, matapos ngang magtagpo ang kanilang landas sa isang Israeli dessert party na pareho nilang dinaluhan. Agad namang nagdesisyon ang dalawa na pumasok sa isang relasyon ng maging magaan ang kanilang loob sa isa’t isa, kasabay ng pangako sa bawat isa ang kanilang katapatan.

Kahit naging mabilis ang pagpasok sa isang seryosong relasyon ng dalawa, ay masasabi namang tila sila ay talagang itinadhana para sa isa’t isa, kaya naman kalaunan ay napagdesisyunan na nga nila ang magpakasal at bumuo ng kanilang pamilya.
Sina Gal Gadot at Jaron Versona ay ikinasal noong ika-28 ng Setyembre taong 2008.

At sa araw ngang iyon, ayon kay Gal Gadot, ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdamang galak at saya, lalo na nga ng suot na niya sa kanyang daliri ang kanyang wedding ring.

Taong 2011, ng unang biyaya ng anak ang mag-asawa, at ito nga ay isang babae na talaga namang napakaganda, kaya naman binigyan nila ito ng pangalang Alma. nMatatandaan naman na noong taong 2018 nang gampanan ni Gal Gadot ang pagiging si Wonderwoman, at lingid sa kaalaman ng marami, ng mga panahon na ‘yon ay ipinagbubuntis na niya ang ikalawang anak nila ng asawa niyang si Jaron.

Ang ikalawang anak ng mag-asawa na siya na rin nilang bunsong anak ay isa ring babae, na sa kasalukuyan ay dalawang taong gulang na, at ito nga ay si Maya. Kahit naman abala sa kani-kanilang karera sina Gal at Jaron, ay sinisigurado naman nilang mag-asawa na mananaig sa pagsasama nila ang pag-intindihan at pagsuportahan sa isa’t isa,
dahil ang mga ito ay ilan lamang sa mga sekreto para sa isang matibay na pagsasama ng mag-asawa.Ang maganda at puno ng pagmamahalan na buhay mag-asawa nina Gal at Jaron ay patunay lamang na ang pagkakaroon ng matagumpay na pagsasama ay hindi nababase sa tagal ng relasyon.