Game Show Na “Deal Or No Deal” Naalala Nyo Pa Ba Ang Briefcase Girl Na Si Charmel

ABS-CBN si Charmel de Asis Evans, kung saan ay isa nga siya sa mga briefcase girl nito sa 26K nitong myimbro. Tumatak ang pangalan ni Charmel sa publiko dahil talaga namang kinakabahan ang maraming mga manonood noon kapag ang kanya nan gang briefcase ang bubuksan, dahil kadalasan ay makalaking halaga ang nilalaman nito na siya ngang mga bigating premyo sa nasabing game show.




Sa naging panayam kay Charmel ng PEP, ay kanyang ikinuwento kung paano nga ba siya nagsimula sa pagiging briefcase girl, kung saan ayon sa kanya, ang una talaga yang pinag-auditionan ay ang programa ni Willie Revillame ngunit hindi siya natanggap.
“Hindi ako natanggap kasi hindi ako marunong sumayaw at ang chubby ko raw sa TV. Lol”, ang naging unang pahayag ni Charmel.

Image Credit via Google

Matapos nga nito, ay nakatanggap naman siya ng balita na mayroon umanong audition para sa panibagong show kung saan ay “26 ladies” ang kinakailangan. “The, from Wowowee crew, nalaman kong may audition for a new show so I gathered the details. Hindi pa nila sinasabi kong anong game show title, basta new show and need 26 ladies. So yes, may audition every season. During season one, kauna-unahang tao sa studio, 4:00 P.M was me.

Image Credit via Google

Hahaha, excited lang kasi 5 p.m ang start ng go-see, then from that first and second screening, may final audition pa, that was May. Two months after, I heared libo na ang nag-o-aduditon everytime”, ani ni Charmel sa pahayag niya sa PEP.

Image Credit via Google

Maswerte naman na natanggap si Charmel sa show nga na ito ni Kris Aquino na “Deal or No Deal”, at ayon nga mismo kay Charmel, maging sila na may hawak ng mga briefcase ay hindi nalalaman kung sino-sino sa kanilang 26 na briefcase girl ang may hawak ng may malalaking halaga. Bilin umano kasi sa kanila, ay hindi nila maaring buksan ang briefcase hanggat hindi sinasabi ng ‘host’ ng nasabing programa.

Image Credit via Google

Dito nan gang nagsimula na makilala si Charmel ng publiko, dahil sa madalas nga niyang nahahawakan ang briefcase na may malalaking halaga, kagaya na lamang ng 500,000, P1M at P2M.

Ibinahagi naman ni Charmel, na hindi niya pinalangin ang maging sikat siya, kundi ang tanging hiling lang niya noon ay ang magkaroon siya ng impact sa tao, upang magtuloy-tuloy ang kanyang kita.

“I remember praying to God nung umpisa pa lang ng taping. I said, ‘Make a way Lord na lahat ng guesting kasama ako, at hanapin ako ng tao. ‘ I did not pray for fame’, but I wanted lang kasama sa guesting para may extra income. Hahahaha! Kasi during the pilot episode ng Deal, nag-ge-guesting ng pili, mga few ladies. Siyempre, hindi ako napipili kasi hindi naman ako kagandahan talaga. But prayers is stronger than beauty”, dagdag pa ni Charmel.

Pahayag pa ni Charmel, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos, dahil alam niya na ito ang tumulong sa kanya, na minsan sa kanyang buhay ay maranasan niya ang makilala ng publiko, o ang ma-experience ang ganung trabaho na nasa mundo ka ng showbiz sa maikling panahon.

Naibahagi rin niya kung gaano naging mabuti sa kanya ang host ng show na si Kris Aquino, na kahit nga nung wala na ang Deal or No Deal ay nakatanggap siya ng tulong mula rito nung magkaroon nga ng bagyong Undoy at maapektuhan ang pamilya niya.




Nang matapos nga umano ang Deal or No Deal, ay nagtrabaho bilang executive VP supervisor sa Casino si Charmel bilang fulltime. At ng siya naman ay nakapag-asawa na ay nagtungo na sila sa Ohio, ang hometown ng kanyang asawa at doon na sila nanirahan.

Sa kasalukuyan nga ay naninirahan na sa Ohio, USA si Charmel kasama ang asawa niyang si Ben Evans, na bestfriend ng singer-actor na si Sam Milby. Nagtatrabaho rin ngayon bilang branch manager si Charmel ng financial company sa nasabing bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *