Ganito Dapat Ang Gawin Ng Mga Mister Para Ganahan Ang Kanilang Mga Asawa

Mahirap maging isang misis lalo pa’t marami kang anak na dapat asikasuhin at palaging wala ang iyong mister dahil sa kanyang trabaho. Ikaw ang responsable sa mga gawaing bahay katulad ng pagluluto, pagpapanatili ng kalinisan, pag-aasikaso sa mga bata, at ang isa sa mga pinakamahirap at pinakamabigat na gawain: ang paglalaba.

Hindi lamang sa’yo ang mga damit na iyong lalabhan kung hindi sa iyong buong pamilya. Medyo malas mo lamang kung sangkatutak ang iyong anak dahil sangkatutak rin ang iyong magiging labahan lalo pa kung lingguhan ang iyong paglalaba.

Photo Credit: marvien cascato/Facebook




Wala naman tayong magagawa kung hindi gawin na lamang ito dahil para rin naman ito sa ating pamilya. Nito lamang ay nagkaroon ng magandang suhestiyon ang isang netizen na para sa mga mister na siya namang agad naging viral sa social media. Sa post ni Marvin Cascato, binahagi niya ang mga litrato ng mga labahang ng pantalon na may lamang pera sa bulsa. Hinikayat ni Marvien ang kapwa niya mga mister na kung maaari ay gawin ito ng regular sa kanilang mga pantalon.

Photo Credit: marvien cascato/Facebook

Sinabi niyang lagyan raw ng pera ang kanilang mga pantalong ilalagay sa labahan upang sa oras na maglalaba ang kanilang mga misis ay ganahan naman ito sa surpresa.
Makikita sa larawan na may lamang P550 ang bulsa ng pantalon na nakalagay sa labahan. Kung ito ay magiging gawain ng mga mister, tiyak naman talagang ganahan ang kanilang mga misis na maglaba at gumawa pa ng mga gawaing bahay.

Photo Credit: marvien cascato/Facebook

Pero palagi nating palatandaan na hindi nasusukat sa pera ang pagpapakita ng apresasyon sa iyong asawa sa mga sakripisyo ni tong ginagawa para sa buong pamilya. Sa kabilang banda, maganda ring ideya ang mungkahi ni Marvien upang kahit sa munting paraan ay maiwasan ang pagod na dinadamdam ng mga misis natin sa pagkilos sa loob ng bahay, pagpapanatili ng kalinisan nito, at sa pangangalaga hindi lamang sa ating mga anak kundi para na rin sa ating mga mister.

Photo Credit: marvien cascato/Facebook




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *