Melai Cantiveros, Ibinahagi Ang Kanyang Paraan Sa Pagdidisiplina Sa Kanyang Mga Anak

Napakalaki na ng pinagbago ng ating panahon ngayon kumpara noon. Ilan sa mga malaking pagbabago sa pamamaraan ng ating pamumuhay ay ang pagdidisiplina ng mga magulang ngayon sa kanilang mga anak. Marahil marami ang nakaka “relate” sa pagdidisiplina noon ng ating mga magulang sa atin. Lumaki na tayo kasama ang mga hampas ng hanger, sinturon, dos por dos, at ang pamosong pagpapasahod sa asin.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram
Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram




Bagama’t medyo brutal, malaki ang naitulong nito sa ating pagkatao dahil natuto tayong maging disiplinado at responsable sa ating mga ginagawa at sa ating mga desisyon sa buhay. Noon kasi ay madalas tayong na pisikal ng ating mga magulang sa mga pagkakamali ng aking ginagawa at para turuan tayo ng tamang asal. Hindi tulad noon, mas malambot na ang pag-aalaga ng mga magulang ngayon sa kanilang mga anak.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram
Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Sa katunayan, pinagbibigyan nila ang kanilang mga anak sa halos lahat ng gusto nito para hindi lamang umiyak. Bagama’t hindi naman ganoon kasama ang ganoong klase ng pagpapalaki, maaaring hindi ito matuto ng tamang asal at baka isipin niya na lahat ng bagay ay nakikita niya.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram
Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Kahit isa nang artista, hindi pa rin nakalimutan ni Melai kung paano maging isang probinsyanang ina. Katulad ng pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang magulang noon sa probinsya, kakaibang pagdidisiplina rin ang kanyang pagpapalaki sa kaniyang dalawang anak na sina Mela at Stella. Inamin ni Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay” na strikto raw siya bilang isang magulang sa kanyang dalawang anak. Gusto niya raw na lumaki ang kanyang mga anak na marunong rumespeto sa mga matatanda lalo na sa kanilang dalawa ni Jason.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram
Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Sa katunayan, tuwing nag-aaway raw ang dalawa niyang anak ay pinaluluhod niya ito at pinapangarap sa dingding. Ito raw ang kanyang paraan upang napagtanto ng kanyang mga anak ang kamalian ng kanilang ginawang kasalanan. Pinapaliwanag niya naman pagkatapos ng kaniyang parusa ang mga dahilan kung bakit sila naparusahan.
Marami ang natuwa sa paraan ng kanyang pagdidisiplina sa kanyang mga anak dahil sa ngayong panahon, magulang na ang lumuluhod sa kanilang mga anak.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *