Richard Gutierrez Ibinahagi Ang Paraan Sa Pagdidisiplina Sa Kanyang Mga Anak

Ang pagiging isang magulang ay hindi biro ang responsibilidad. Mabigat na obligasyon ang pagpasok sa pagiging isang magulang. Ikaw ang mamahala sa kapakanan ng iyong anak. Marami kang dapat ikonsidera sa pagdidisplina ng iyong mga anak. Ang paraan ng iyong pagdidisiplina ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong anak sa kanyang paglaki. Ang sobrang pag-istrikto at pagdisiplina sa iyong anak ay maaaring magdulot ng isang traumatic na karanasan na maaari niyang indahin sa kanyang pagtanda. Maaari ring lumaking “spoiled” ang iyong anak kung pagbibigyan mo ang lahat ng kanyang gusto.

Photo Credit: richardgutz/Instagram
Photo Credit: richardgutz/Instagram




Pero para kay Richard Gutierrez, sakto lang ang kanyang pagdidisiplina sa kanyang anak. Isa si Richard sa mga natatanging “daddy” sa showbiz. Bagama’t nanggaling sa pamilya ng mga artista, gumagawa si Richard ng sarili niyang pangalan sa industriya. Marami ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa kanyang makisig at gwapong mukha. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang gwapong aktor ay isa nang tatay kay Zion Gutierrez, at mabuting asawa kay Sarah Lahbati.

Photo Credit: richardgutz/Instagram
Photo Credit: richardgutz/Instagram

Ibinahagi ni Richard sa madla kung anong klase siyang tatay sa kanyang anak na si Zion. Ayon sa kanya, sakto lang raw ang kanyang pagiging isang striktong ama. Gusto raw nilang maging balanse ang lahat katulad ng ginagawang pagpapalaki ng kanyang amang si Eddie Gutierrez sa kaniya noon. “Relaks” daw ang kanyang ama noon sa pagpapalaki sa kaniya ngunit sa pagkakataong sumobra ito, doon na raw siya dinidisiplina ng kaniyang ama. Gusto niya raw lumaki ang kanyang anak na hinahanap niya kung ano ang gusto niyang maging paglaki.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Hanggang ngayon ay natututo pa rin raw siya araw-araw kung paano maging isang mabuting ama. Ayon kay Richard, nadagdagan raw ang kanyang parenting skills araw-araw. Para kay Richard, habang buhay na pag-aaral ang pagiging isang tatay.
Malaki rin ang kaniyang pagpapahalaga sa kanyang pagiging tatay. Ito raw ang kanyang natatanging prayoridad sa kasalukuyan. Sa katunayan, kung wala nga raw siyang trabaho, lagi niya raw kasama ang kanyang mag-ina. Naging daan rin raw ang kanyang pagiging tatay para mas maging close sila ng kanyang asawang si Sarah.

Photo Credit: richardgutz/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *