Ganito Pala Ang Tunay Na Ugali Ng Aktor Na Si Jericho Rosales Sa Likod Ng Camera

Sa industriya ng showbiz, ay madalas natin nakikita sa mga panayam ng mga kilala at sikat na artista na tila napaka-approachable nila, ngunit may ilan tayong mga naririnig na kwento na ilan sa mga artistang ito na ating hinahangaan ay mapang-snob pala sa totoong buhay.
Image Credit via Google
Ngunit isa sa mga kilala at popular na aktor, ang nagpapatunay na may mga artista rin na approachable, tulad niya. Kahit pa siya’y isang sikat at popular na artista ay hindi niya magagawang mang-snob lalo na pagdating sa kanyang mga tagahanga, at mananatili ang kababaan ng kanyang loob kahit pa nga ba siya ay nasa tuktok na ng kasikatan.



Ang aktor na ito ay walang iba kundi ang heartthrob na si Jericho Rosales, isa sa mga kinakailangan at pinapantasya ng maraming kababaihan noon maging hanggang ngayon.
Batid ng marami sa atin kung paano nagsimula ang aktor sa industriya ng showbiz, at batid rin natin na si Jericho ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya.
Image Credit via Google
Nagsimula ang showbiz career ni Jericho Rosales ng siya ay madiskubre sa Mr. Pogi, isa sa mga segment noon ng Eat Bulaga. Matapos nga siyang madiskubre sa nasabing segment, ay nag tuloy na ang mga proyekto para sa aktor, nagsimula sa pagiging extra sa mga pelikula, hanggang sa makita siya ng galing at talento sa pag-arte ay bumida na rin siya sa kanyang sariling mga pelikula.
Image Credit via Google
Masasabi nga natin na isa si Jericho sa mga artistang narating na ang tuktok ng kasikatan, ngunit kahit pa nga ba popular na at sikat ay nanatili pa rin itong mapagkumbaba.
Image Credit via Google
Sa isang uploaded photos ng isang netizens ay makikita natin kung tunay nga bang mapagkumbaba ang aktor, lalo na pagdating sa mga simpleng tao na humahanga sa kanya. Ini-upload nga ng isang netizens ang naging karanasan niya ng makaharap ang aktor, at yayain niya itong magpapicture sila.
Image Credit via Google
Ayon sa naging pagbabahagi ng netizens, duty siya sa kanyang trabaho ng makita niya ang aktor, at dahil isa siya sa mga tagahanga nito ay agad niya itong tinawag at sinabi na kung maaari ba silang magpa-picture dalawa.
Image Credit via Google
Ngunit hindi siya agad pinagbigyan ng aktor, dahil sa busy umano ito sa paghahanap ng isang store, kung saan ay tila may bibilhin ito.
Akala nga ng netizens ay talagang ini-snob na siya ni Jericho, ngunit laking tuwa niya ng matapos ang 30-minuto ay muling bumalik ang aktor sa kanya, at agad siya nitong niyaya magpa-picture sila.
Ibinahagi nga ng isang babaeng netizens ang mga larawan nila ni Jericho Rosales na kuha sa California Pizza Kitchen Edsa Shangri La, at kalakip nito ay ang naging kwento niya sa kung paano siya nakapag pa-picture sa aktor.



“Me: Jericho! Pwede magpa-picture Siya: wait ate, may hinahanap lang ako na store. Me: Ok po(Nakasimangot, akala ko masungit siya.) After 30 mins. Habang nag-aayos ako ng menus Jericho: TARA NA ATE! PICTURE NA TAYO. Me: OMG! Binalikan niya ako! Hahahaha”
Eto nga ang naging pagbabahagi ng netizens sa kanyang naging karanasan ng makita ang aktor na si Jericho Rosales, at dito na nga niya nabatid kung ano ang tunay na ugali nito.
Naging Viral naman ang larawan na ito ni ate girl netizens na nagpapicture kay echo, na kung saan ay marami ang mga kababaihang nainggit sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *