Ganito Pala Makisama Si Ellen Adarna Sa Kanyang Mga Kasambahay Kaya Umani Ito Ng Mga Komento Sa Mga Netizens

Sa Showbiz Industry, isa ang actress na si Ellen Adarna sa kinikilala bilang may pinakamagandang mukha. Maliban pa nga rito ay marami din ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang flawless at magandang hubog ng katawan.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Ngunit marami ang nais malaman, kung sa kabila ba ng pagkakaroon ni Ellen ng magandang mukha ay nagtataglay din kaya ito ng mabuting kalooban?




Marami na tayong narinig na kwento, na ilang mga kilalang personalidad sa showbiz, na sa kabila ng pagiging maganda at sikat ay nanatili ang kabutihan nila sa kanilang mga puso at ang maayos na pakikisama nila sa mga pangkaraniwang tao tulad ng kanilang mga kasambahay.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

May kasabihan nga tayo na “Don’t Judge The Book By It’s Cover”, at ito ay mapapatunayan natin sa pagkatao ni Ellen Adarna.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Sa isang one-minute video clip mula sa Instagram story ni Ellen Adarna ay natunghayan ng marami kung gaano ito kasimple sa kanilang tahanan at paano ito makisama sa kanyang mga kasambahay kahit pa nga ba isa siya sa mga naggagandahang artista sa showbiz.

Sa video ay mapapanood ang nakangiting si Ellen na halatang kagigising at kababangon lang sa kanyang higaan.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Nasorpresa siya ng pagbangon niya at paglabas niya sa kanyang silid, na ang kanyang mga kasam-bahay ay kauuwi lamang ng mga oras na iyon galing sa night out at halos 6:30 a.m na.

 

Tinanog naman agad ni Ellen ang mga ito, kung may hang-over ba silang nararamdaman at sabay sumagot ng “No”, ang mga ito.

Matapos nito ay kinamusta din niya kung ano ang mga nangyari sa kanilang night out, at masaya naman ang kwento ang mga ito na may ilang mga kalalakihan na na makipag flirt sa kanila.

Photo Credit: maria.elena.adarna/Instagram

Makikita rin sa video ang isa niyang kasambahay na pinipilit pang kalikutin ang cellphone nito, pero kitang-kita na inaantok na ito at kailangan ng matulog upang makapag pahinga.




Umani naman ng mga papuring komento ang video na ito ni Ellen Adarna, at bumilib ang mga netizens dahil binigyan niya ng oras ang kanyang mga kasambahay na makabonding sa pamamagitan ng “night out”, at kahit pa nga ba umaga na umuwi ang mga ito ay hindi man lang ito nakita ang pagkainis sa mga ito.

Sa panahon nga naman ngayon ay bihira ka nalang nakakakilala ng employer na tulad ni Ellen Adarna, na marunong magbigay konsiderasyon sa kanyang mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *