Ganito Pala Makitungo At Makisama Si Pia Guaṅo Sa Kanyang Mga Kasambahay

Para sa ibang employers, ang isang kasambahay ay itinuturing lamang nilang isang kasambahay at wala ng iba. Ngunit may ilang employers naman na halos ituring ng kapamilya ang kanyang kasambahay dahil sa sila nga naman ay may malaking maitutulong sa kanilang tahanan at pamilya.




Ngunit para naman sa Eat Bulaga Host na si Pia Guaṅo, itinuturing niyang isang anghel sa kanilang bahay ang kanilang kasambahay.

Photo Credit via Google

Nasubaybayan na nga naman natin ang personalidad ni Pia sa telebisyon, dahil isa siya sa mga entertainment news anchor ng TV news program na “24 Oras” at napapanood rin natin siya sa noontime show na “Eat Bulaga” bilang mainstay host.

Photo Credit via Google

Isa nga namang career-driven woman na maituturing si Pia Guaṅo, dahil hindi niya hinahanap na naapektuhan ng kanyang personal na buhay ang kanyang trabaho, o maging ang trabaho sa personal niyang buhay.

Photo Credit via Google

Kamakailan nga lamang, ay napanood sa Eat Bulaga ang isa sa kasambahay ni Pia na si Rodalyn Oliveros, ng sumali ito sa “Main in the Philippines”, isa sa mga bagong segment ng nasabing show.

Photo Credit via Google

Ayon kay Pia, magaling umano magluto si Rodalyn kaya naman pinag-aral niya ito sa isang cooking class kung saan ay mahahasa ang galing nito sa pagluluto at matututo rin itong magluto ng mga pagkaing banyaga. At magtapos nga ang naging pag-aaral nito ay nakakuha na ito ng certificate na maaari itong magamit sa ibang trabaho.

Photo Credit via Google

Nagbahagi rin si Rodalyn, kung gaano siya kasaya na maging kasambahay nina Pia at ng asawa nitong si Steve Mango na isang businessman dahil sa pagtrato ng mga ito ng maayos sa kanya.

Kwento ni Rodalyn, mahigit dalawang taon na rin ang lumipas ng matanggap siya bilang isang yaya ni Brooklyn, ang bunsong anak nina Pia at dito nga nagsimula magbago ang kanyang buhay hanggang maging all around-maid siya ng pamilya Guaṅo.

Dati rin umano siyang domestic helper sa Middle East, bago siya naging kasambahay ng pamilya Guaṅo.

Pagbabahagi pa nga ni Rodalyn, bilang isang kasambahay nina Pia ay naranasan niya rin ang maging kasama ng mga ito sa mga bakasyon ng pamilya nito, kaya naman ilang mga bansa na rin ang kanyang narating ng libre tulad ng Australia, Taiwan at Hongkong.




Malaki nga naman ang pasasalamat ni Rodalyn sa pamilya ni Pia, dahil sa pagturing nito ng maayos sa kanya kahit pa ng aba isa lamang siyang kasambahay ng mga ito.

At dahil nga nasa maayos na employer si Rodalyn ngayon, ay hindi na niya kailangan pang mangibang bansa at malayo sa pamilya na tulad ng trabaho niya noon. Ano ang masasabi niyo sa pagiging isang employer ni Pia? At ang pakikitungo nito sa kanyang kasambahay?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *