Ganito Pala Tratuhin Ni Pokwang Ang Kanyang Mga Kasambahay

Marahil ay may kilala tayong tao na umangat lamang ang antas ng pamumuhay o hindi kaya’y yumaman lamang ay nag-iba na ng ugali at tila ba naging magaspang na ang pakikitungo sa ibang mga tao. May mga mayayamang tao na hindi marunong rumespeto sa kanilang mga kasambahay dahil nga mababa ang tingin nila sa kanila. Bagama’t nakakalungkot ito, totoo pong nangyari ito.




Hindi natin dapat gawing basehan ang antas ng buhay ng isang tao para mangmaliit. Lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos kung kaya’t dapat tayong magbigay galang sa lahat, ano man ang kanilang trabaho, mahirap man o mayaman.

Ito ang natunghayan ng mga netizens nang iupload ni Pokwang ang isang video ng pagpapatawa kung saan pinakita niya kung paano siya tratuhin ng kanyang mga kasambahay. Bilang isang kasambahay, maaga silang gumising kumpara sa kanilang mga amo upang gawin ang mga gawaing nakaatas sa kanila. Kaya naman, pagkagising ni Pokwang, pumunta agad siya sa kanilang hardin para kamustahin ang kanyang mga kasambahay na nag aayos ng hardin at dinidiligan ang mga halaman. Ang iba nama’y inaasikaso ang mga dapat ayusin sa loob ng bahay.

Bilang isang amo, kinamusta ni Pokwang ang kanyang kasambahay na tungkol sa kanilang trabaho. Pero makikita sa video kung paano sinagot ng mga kasambahay si Pokwang na siya namang ikinabigla ng lahat.
Matapos kamustahin ni pokwang ang mga kasambahay, tila iba ang kanilang sagot.
“Okay naman po, pero mas okay magluto ka na kasi gutom na kami,” sambit ng isa nitong kasambahay.

Makikita rin sa isang video kung saan nagdidilig si Pokwang nang bigla siyang tanungin kung tapos na raw ba siya sa kanyang ginagawa. Nagdidilig si Pokwang ng mga halaman at naglilinis ng bagay. Agad naman niyang sinabing hindi pa raw siya tapos at humingi ng paumanhin. Matapos nito, winisikan niya ng hose na may tubig ang kasambahay.
Kaunti na lamang ang mga ganitong tao na kahit may narating sa buhay ay nanatili pa ring mapagkumbaba! Saludo kami sa iyo, Pokwang!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *