Gary Valenciano Nagbigay ng Nakakaantig Na Mensahe Para Sa Kaarawan Ng Anak Na Si Gab

Hindi nga naman lahat ng mga anak, ay may kilala o kinalakihang ama o di kaya ay minahal ng kanilang ama, kaya naman maswerte ang mga anak na kapiling at lumaki na kasama ang kanyang ama at ramdam ang pagmamahal nito para sa kanila.




Sa industriya ng showbiz, ay marami tayong mga kilalang ama, na talaga namang ipinakikita ang pagmamahal at suporta nila sa kanilang mga anak, tungkol man ito sa career o sa iba pang mga bagay sa buhay ng mga ito. At isa nga sa mga amang ito ay ang tinaguriang Mr. Pure Energy ng showbiz industry na si Gary Valenciano.

Photo Credit: garyvalenciano/Instagram

Kahit pa nga ba, nasa hustong gulang na ang kanyang mga anak ay ipinapakita pa rin ni Gary Valenciano ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak at kung paano niya sinusuportahan ang mga ito sa lahat ng mga pinagdadaanan ng mga ito sa kani-kanilang mga buhay.

Photo Credit: garyvalenciano/Instagram

Sa isang mensahe na ibinahagi ni Gary Valenciano, sa kanyang Instagram account, para sa ika-32 na kaarawan ng kanyang anak na si Gab, noong January 11, ay mababasa kung gaano ito kamahal ni Garry at kung gaano niya ito sinusuportahan sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa buhay.

Photo Credit: garyvalenciano/Instagram

“You’re now 32 son. You’ve already gone through what the most would rather not go through, “ panimula nito.

Photo Credit: garyvalenciano/Instagram

Ayon nga sa naging mensahe ni Garry ay maraming pinagdaanan ang kanyang anak na si Gab, ngunit nagawa itong i-manage ng nasabing binata.

Photo Credit: garyvalenciano/Instagram

“You are so blessed son… much more than just being a Valenciano, but because of how God has chosen you despite all the bashing and hatred hurled at you, to shine with compassion for those in need.”




Mababasa rin sa mensahe ni Gary para sa kaarawan ng anak na si Gab, na pinayuhan niya ito na huwag na nitong pansinin ang mga taong nangba-bashed sa kanya, dahil aksaya lamang umano ito ng panahon at oras.

Photo Credit: garyvalenciano/Instagram

Bagkus ay ipagpatuloy lamang nito ang kanyang buhay, sa mga bagay na mas may kabuluhan lalo na kung ito ay nakakabuti sa paningin ng ating Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *