Gerald Anderson Ibinahagi Ang Larawan Ng Kanyang Ama Noong Binata Pa Ito

“Like Father Like Son”, ito nga naman ay talagang isa na sa mga kasabihan ng Pinoy na namulatan na ng marami sa atin. Sinasabi ito kapag, kapansin-pansin sa mag-ama, ang pagiging magkahawig nila hindi lang sa pisikal na itsura kundi maging sa mga bagay na kinahihiligang gawin.



Katulad na lamang ng aktor na si Gerald Anderson, at ang ama nito na talaga namang “like father like son” dahil sa laki ng pagkakahawig nila, lalo pa nga ng binata pa ang kanyang ama.
Marami nga sa mga tagahanga ng Kapamilya star na si Gerald Anderson, ang namangha matapos ibahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang ama ng ito’y binata pa, kung saan ayon nga aktor ang larawan na ito ay kuha ng 22-taong gulang pa lamang ang kanyang ama.
Kalakip nga ng larawan ay ang caption ni Gerald dito na; “Gerald Randolph Anderson Sr, at 22 years old” Hindi naman napigilang ma-shocked ng ilang mga netizens, at mga kaibigan ng aktor sa showbiz, ng makita ang larawan ng ama ng aktor noong bata pa ito, ito ay dahil nga sa laki ng pagkakahawig ni Gerald dito.
Makikita nga sa larawan ng ama ni Gerald, ang taglay na kakisigan nito noon pa mang kabataan nito, at masasabi nga natin na namana talaga ito ng aktor dahil batid natin na isa si Gerald Anderson sa mga gwapong aktor sa showbiz, na tinitilian at kinakikiligan ng marami nating mga kababayan dahil sa angking kakisigan at kagwapuhan nito.
Samantala, isa sa mga malalapit na kaibigan at co-star ni Gerald na si Young JV ang nagbigay komento sa naturang larawan na ibinahagi ng aktor. “Tito Randy knows the vibes!! The son tho no swag (grinning, squinting face emoji) @andersongeraldjr.’
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga tagahanga ni Gerald na talaga namang na-amaze sa laki ng pagkakahawig nilang mag-ama. “You got the eyes of your dad (heart emoji) both good looking (heart emoji)” IG user @verinadc.
“Wow you look so much like your dad” – IG user @sweerohunene. “Wow carbon copy mo @andersongerald both good looking” IG user @yvetterealo.sg
Si Gerald Randolph Anderson Sr., ay nagtatrabaho bilang isang American Instructor sa Subic Naval Base, samantalang ang asawa naman nito na si Evangeline Opsima na ina ng aktor, ay isang businesswoman naman mula sa General Santos City.
Samantala, kamakailan lamang ay naging viral ang pangalan ni Gerald ng maugnay ito sa isang kontrobersiya na di umano’y pagbubuntis ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Barretto.



Nagsulat ng ang isyu na ito na pagbubuntis umano ni Julia, ng ibahagi ito ng veteran journalist na si Jay Sonza sa social media, kung saan ay sinabi nito na isa sa mga kapitbahay ng aktres ang nakwento nito sa kanya.
Maliban pa nga rito, ay muli pa nga itong nagpost, na may isa umanong tao ang nagkumpirma nito at inamin na totoo ang issue na ito tungkol sa aktres na si Julia Barretto.
Mariin namang itinaggi ng parehong panig nina Gerald at Julia, ang isyu na ito na nagkakalat ng veteran journalist na si Jay Sonza, dahil ayon sa kanila ay walang anumang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *