Isa sa mga mapalad na aktor na hindi nawalan ng proyekto sa kabila ng krisis na dumaan sa Philippine Enertainment industry, ay si Gerald Anderson. Sa kabila nga ng maraming artista sa showbiz ang nawalan ng proyekto dahil sa krisis, ay isa naman si Gerlad sa mga mapalad na nagtuloy-tuloy pa rin ang pagkakaroon ng trabaho at mga proyekto.
Dahil sa oportunidad na patuloy na ibinibigay kay Gerald, ay mas lalo ngang pinagbutihan ng aktor ang kanyang trabaho, kung saan ay mas hinusayan niya pa sa lahat ng mga trabahong ibinibigay sa kanya ito ay upang mabigyan niya ng kasiyahan ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya at maging ang maraming mga manonood.

Kahit naman abala ang mahusay na aktor sa lahat ng kanyang mga trabaho, ay hindi naman nakakaligtaan ni Gerald na magbigay oras para personal niyang buhay. Sinisigurado ni Gerald kahit sobrang dami niyang ginagawa, ay may panahon pa rin siya mag-relaks, at isa nga sa mga pinaka paborito niyang gawin ay ang pagtambay sa mga nakaka-relaks na lugar katulad na lamang ng magagandang beach.

At dahil hilig talaga ni Gerald ay ang pagtambay sa beach lalo na sa mga oras na need niyang magpahinga at mag-relaks, ay hindi siya nag-atubiling mag-invest ng isang beach resort.

Mapapanood sa vlog ng aktor kamakailan lamang ang naging pagpapasilip niya ng kanyang naipundar na beach resort na matatagpuan sa Botolan, Zambales. Ang beach resort na ito ng aktor ay tinawag nga niyang Hayati Beach Resort.

Ayon kay Gerald naging hands-on siya sa pagpapagawa ng beach resort niyang ito, kung saan halos lahat nga ng konsepto at ideya nito ay galing mismo sa kanya. Makikita naman na talagang napakaganda at nakakarelaks ang beach resort niyang ito.

Sa naging pagpapasilip nga ng aktor ng kanyang Hayati Beach Resort ay masisilayan na ito ay mayroong mga cottage na iba’t iba ang laki, kung saan may pwede sa mag-asawa o magkasintahan, mayroon namang pwede sa pamilya at barkada.

Dahil naman isa sa mga kinahihiligang sports ni Gerald ay ang basketball ay nagpagawa rin nga sa loob ng bakuran ng kanyang resort ng basketball court ang aktor, kung saan ayon nga sa kanya ay maari din itong maging isa sa mga libangan ng mga bakasyunista sa kanyang resort.

Maliban naman sa napakagandang beach ng Hayati resort, ay ipinagmamalaki rin ni Gerald ang malawak na swimming pool ng property niyang ito. Ganun din ang iba pang pwedeng mapaglibangan ng mga magbabaksyon dito, kagaya na lamang ng jacuzzi, pagtambay sa bar, at maging ang pag-experience ng bonfire.
Siniguro din ng aktor na maging ang mga bakasyunistang bagets ay may magiging libangan din sa pag-aari niyang resort, kung saan siya nga ay nagpagawa rin ng maliit na mini zoo, na may makikitang iba’t ubang mga hayop tulad ng ibon at mga isda na siguradong ma-e-enjoy mga bata.
Sa huling bahagi naman ng vlog ng aktor ng kanya ngang ipinasilip ang resort niya, ay hinikayat niya ang mga netizens na pasyalan ang property niyang ito upang ma-experience nila ang Hayati beach resort.
“Sana nagustuhan niyo, at sana ma-experience niyo din one day. Talagang pinaghirapan namin ‘to para sa inyo, para maging comfortable at para mag-enjoy kayong lahat. Come visit us sonn!”, panghihikayat ng aktor. Talaga namang napakaganda ng beach resort na ito ni Gerald, at siguradong kahit na sibong bakasyunidta ay makapagre-relaks at enjoy dito.