Gerald Anderson Nagbigay Ng Bagong Motorsiklo Kanyang Personal Assistant

Isa sa mga hinahangaang aktor ngayon sa mundo ng showbiz si Gerald Anderson. Pagdating sa kagwapuhan at husay sa pag-arte’t pagbibigay kilig sa marami niyang mga tagahanga ay talaga namang isa si Gerald sa mga nangungunang aktor. Nagsimula ang showbiz career ni Gerald Anderson ng siya ay mapabilang bilang isa sa mga housemate ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother, at ng siya nga ay makalabas na sa naturang bahay ni Kuya ay dito nga nag-umpisa ang pagbuhos ng maraming oportunidad sa kanya na siya ngang naging daan upang masabak siya sa pag-aartista.




Nakilala man bilang isang mahusay, gwapo at ubod ng kisig na aktor si Gerald, ay mas hinangaan naman ng marami niyang tagahanga at tagasuporta ang si Gerald dahil sa kanyang pagiging isang mabuting tao hind inga lamang sa harap ng kamera kundi maging sa tunay na buhay.

Image Credit via Instagram

Kamakailan nga lamang ay muling pinabilib ni Gerald ang marami, ito nga ay matapos niyang ipakita kung paano nga ba siya bilang isang boss sa mga taong nagsisilbi at tumutulong sa kanya sa trabaho niya. Marami ang natuwa sa aktor at kinabiliban ang pagiging mabuti nito, matapos nga niyang bigyang sorpresa ang isa sa mga taong malapit sa kanya, at ito nga ay ang kanyang Personal Assistant.

Image Credit via Instagram

Nagdiwang kasi ng kaarawan ang P.A ni Gerald na si Jalal Laidan kamakailan lamang, at sa espesyal na araw nga na ito ni Jalal, ay hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng isang magandang sorpresa mula sa kanyang boss na aktor. Sa kaaarawan nga ng kanyang Personal Assitant na si Jalal, ay binigyang katuparan ni Gerald ang pangarap nito, kung saan ay niregaluhan niya ito ng bago at napakagandang motorsiklo na ayon sa aktor ay pangarap na noon pa man ng kanyang P.A.

Image Credit via Instagram

Makikita sa Instagram account ng aktor ang pagbabahagi niya ng video, kung saan ay makikita nga kung gaano kasaya ang P.A niyang si Jalal ng makita nito ang regalo niyang motorsiklo. “Birthday ng anak ng Sultan na si Jalal tapos ngayon, isu-surprise natin siya with a motorcycle. Matagal na niyang pangarao ‘yan kaya pagbibigyan natin siya”, ang naging saad nga ng aktor sa unang bahagi ng kanyang video.

Image Credit via Instagram

Hindi naman maikubli ni Jalal ang kanyang kasiyahan sa regalong natanggap mula sa kanyang boss na si Gerald, kaya naman makailang beses niya nayakap ang aktor pagpapahayag nga ng kanyang sobra-sobrang pasasalamat sa regalo nito sa kanya.




Kaagad namang sinubukan at sinakyan ni Jalal ang regalong motosiklo sa kanya, at sa isang larawan na kanya ngang ibinahagi ay makikita sa kanyang ngiti kung gaano nga siya kasaya habang siya ay nakasakay sa bago niyang motorsiklo. Mababasa pa nga sa caption ng kanyang post, ang pasasalamat niya sa boss niyang si Gerald dahil sa pagbibigay nito ng katuparan sa bagay na matagal na niyang pangarap. “Maraming salamat sa lahat po! Dream come true! Thank you so much my boss, my brother @andersongeraldjr”, sulat ni Jalal sa kanyang IG post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *