Isang Napakamurang Swimming Pool Ang Ginawa Ng Taong Ito

Ginawan ng ama na ito ang kanyang mga anak ng swimming pool! Bagama’t buwan na ng Mayo, ramdam pa rin sa buong Pilipinas ang init ng panahon. Ginagamit natin ang pagkakataong ito upang magtampisaw sa dagat o sa mga resort. Ito na rin ang panahon upang makapag-bonding ang ating mga pamilya.




Para maiwasan ang init ng panahon, pumunta tayo sa mga resort na may swimming pools. Ito rin kasi ang hanap ng mga bata kung saan ay makakapag laro sila sa swimming pools. Kinakailangan pa nating magbayad sa mga resorts para makapag swimming dahil pinakamahal magpagawa ng swimming pool at isa pa, kakailanganin ng napakaraming tubig para mapuno ang isang swimming pool.

Mahal rin ang maintenance ng mga swimming pool. Kakailanganin mo rin ng napakalaking halaga para magpagawa ng swimming pool. Kabilang dito ang mga semento, mga materyales, mga kagamitan, at mga tauhan. Pero iba ang naisip ng isang tatay na ito para sa kasiyahan ng kanyang mga anak. Dahil nga medyo may espasyo pa naman ang kanilang bakuran, naisip ni Jose Franco mula sa Curitiba, Brazil na gumawa ng kanyang sariling pool para sa kanyang mga anak. Bagama’t mag-isa lamang na nagtrabaho ay nakagawa si Franco ng isang “Do It Yourself” na swimming pool.

Bilang isang magulang at isang tao, pangarap ni Franco na magkaroon ng swimming pool ang kanyang mga anak. Matagal na rin raw ninyang pangarap ito noong bata pa siya. At para matupad ang kanyang pangarap at ng kanyang mga anak, gumawa siya ng sariling swimming pool sa kanilang bakuran para makapag-relaks naman silang pamilya sa ilalim ng mainit na araw at panahon.

Gamit lamang ang isang malaking inflatable pool, kapaligiran niya ito ng mga kahoy. Matapos ang kanyang ginawa, ay mukha na itong tunay na swimming pool na tila gawa ng isang propesyonal. Nag Trending sa social media ang kanyang ginawa at marami ang natuwa sa kaniyang “effort” bilang isang ama.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *