Giselle Sanchez Mapapasabak Sa Beauty Pageant Dahil Sa Pangungubinsi Ng Kaibigang Si Patricia Javier

Giselle Sanchez Mapapasabak sa Beauty Pageant Dahil sa Pangungubinsi ng Kaibigang si Patricia Javier Tiniyak ng reigning Noble Queen of the Universe na si Patricia Javier na sa ika-20 ng Disyembre 2020, ay tuloy na tuloy ang virtual coronation ng gaganaping 2nd coronation ng Noble Queen of the Universe.




Ang nasabing pageant na ito, ay lalahukan nga ng labinlimang mga kandidatana na magmumula pa sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Photo Credit: patriciajavier/Instagram

At dahil nalalapit na ang nasabing pageant, ay makikita nga kay Patricia Javier, na handa na ito na isalin sa kanyang magiging successor ang korona at nasabing titulo.

Photo Credit: patriciajavier/Instagram

Samantala, isa naman sa mga aabangan na kabilang sa mga kandidata sa gaganaping Noble Queen of the Universe ngayong buwan ng Disyembre ay ang isa sa mga showbiz personality, at ito nga ay ang kilalang host at comedienne na si Giselle Sanchez.

Photo Credit: patriciajavier/Instagram

Si Giselle Sanchez, ang opisyal na representante ng Visayas sa nasabing pageant.
Ayon sa ulat ng PEP.ph, mismong si Patricia Javier ang nagkumbinsi kay Giselle Sanchez na sumabak sa beauty pageant na ito. Ito ay dahil sa nakita niya sa host-comedienne ang potensyal nito, na maging isang beauty queen.

Photo Credit: gisellesanchez/Instagram

Isang karangalan naman para kay Giselle ang mapili siya bilang maging representante ng Visayan People sa nasabing pageant ng mga misis. Ngunit aminado rin ito na noong una, ay nag-alinlangan pa siya na sumabak sa beauty pageant.

Photo Credit: gisellesanchez/Instagram

“I was hesitant to accept this position at first, but when I saw the advocacies of Noble Queen of the Universe and how they sincerely helped a lot of people especially during this pandemic ad typhoon disaster, I agreed to join this pageant mainly to raise funds to be able to help my fellow Filipinos”, ang naging pahayag ng ani Giselle Sanchez.

Photo Credit: gisellesanchez/Instagram

Para naman sa kanyang unang beses na magiging pagsabak sa nasabing beauty pageant, ay humihingi ng suporta si Giselle sa kanyang mga kababayan niya sa Visayas.




Sa ika-20 nga ng Disyembre, ay hindi lamang ang koronasyon sa bagong title holder ng Noble Queen of the Universe ang magaganap. Dahil maliban dito, ay magbibigay parangal din ang organisasyon ang mga Prominent Women Empowerment awardees.

Pangungunahan naman nina Sharon Cuneta, Dyan Castillejo, Regine Tolentino, at ni Bacoor City Lani Mercado-Revilla, ang pagbibigay ng nasabing parangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *