Gloria Diaz Binalikan Ang Nakaraan Ng Koronahan Bilang Miss Universe Makalipas Ang Limang Dekada

Sa naging matagumpay na MS. Universe 2019, ay muling ginunita ng mga tagahanga ni Gloria Diaz ang kanyang naging journey ng siya ay tanghaling Ms. Universe taong 1969. Ang hindi pagkalimot sa kanya ng kanyang mga tagahanga bilang isang naging Ms. Universe ay ipagpasalamat ni Gloria Diaz, halos 50-taon na ang lumipas ngunit nakatatak pa rin ang kanyang naging tagumpay sa mga ito.

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram




Hindi nga naman mawawala at mabubura sa puso at isip ng ating mga kababayan ang karangalan na ibinigay ni Gloria Diaz sa ating bansa. Dahil ang kanyang pagkapanalo bilang Miss Universe taong 1969 ay ang kauna-unahang pagkakataon na hinirang ang ating dalagang Pilipina sa ganoong patimpalak at kinilala ang ganda ng mga Pinay sa buong mundo.

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram

Ang mensahe ng pasasalamat ni Gloria Diaz ay ipinadala niya sa isang reporter ng ABS-CBN news, pasasalamat sa walang sawang pagmamahal at hindi pagkalimot sa kanya ang nilalaman ng mensahe nito ng dating Ms. Universe.

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram

“Becoming the first Miss Universe in the Philippines made me more aware all my life of how it is to feel the love and admiration of one’s countrymen. And that by being simple, approachable and always grateful to the simple ordinary people I meet every day, is the only way I can actually reciprocate,” ang maikling pahayag ni Gloria Diaz para sa mga taong patuloy ang suporta at pagmamahal sa kanya.

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram

 

Sa pagbabalik tanaw ng mga pageant fans sa pagiging Ms. Universe ni Gloria Diaz ay muli nilang binalikan ang naging kasagutan sa katanungan kay Gloria Diaz noong pageant na tumatak sa mga manonood.

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram

Ang naging katanungan kay Gloria Diaz noong siya ay lumaban ng mS. Universe ay,”In the next day or so, a man will land on the moon. If a man from a moon landed in your hometown, what would you do to entertain him?”




Ang kasagutan ni Gloria na tumatak sa mga manonood at isa sa mga naging dahlia upang tanggalin siyang Miss Universe ay “Oh, just the same things I do. I think if he has been on the moon for so long, I think when he comes over he wants to change, I guess.”

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram

Ito nga ang hindi malilimutang pagkapanalo ng Pilipinas sa Ms. Universe. Dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasungkit ng ating bansa ang korona sa prestihiyoso pageant.

Photo Credit: gloria.diaz69/Instagram

Sa pagkapanalo ng ito din ni Gloria Diaz ay nagbukas sa kanya ang napakaraming pintuan at oportunidad. Isa na dito ang pintuan ng showbiz at oportunidad na maging isang celebrity.

At dahil sa pagbubukas ng mundo ng showbiz sa kanya, ay nakita rin ang talent at galing ni Gloria sa pag-arte. Ilang hindi malilimutang pelikula rin sa telebisyon ang kanyang nagawa, ang mga ito ay “NASAAN KA MAN”, “SAGRADA FAMILIA”, “DYESEBEL” at “ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA BALAT NG LUPA”.

Sa kasalukuyan naman ay patuloy pa rin ang career ni Gloria Diaz sa telebisyon, may ilang proyekto ng ABS-CBN kung saan siya ay kasama isa na dito ang “Dream Dad” at ang “Los Bastardos”.

Si Gloria Diaz ay may dalawang magagandang anak rin ito ay sina Isabelle Daza at Ava Daza. Ngayon ay 68-taong gulang na si Gloria Diaz, at isa sa mga nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa kanya ay ang kanyang nag-iisang apo na si Balthazar Gabriel Daza Semblat.

At kahit nga ilang taon na rin ang lumipas ng kanyang kabataan, ay hindi pa rn nawala kay Gloria Diaz ang pagiging maalaga sa kanyang sarili at pangangatawan. Sa katunayan, ilan sa mga aktibong hot mama na mahalaga rin sa kanilang sarili ay binansagan si Gloria bilang “fitspiration”, dahil na rin sa isa siyang inspirasyon sa mga kababaihan na kahit nasa edad na ay kailangan na aalagaan pa rin ang ating mga sarili.

Hindi nga matatawaran ang naging ambag na karangalan ni Gloria Diaz sa ating bansa. Dahil sa kanyang pagkapanalo ay mas kilala pa ang Pilipinas sa pageant na Miss Universe.

Video Credit: Gloria Diaz/YouTube




Ang mga naging Miss. Universe pa ng ating bansa ay sina Margarita Moran (Miss Universe 1973), Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015) at Catriona Gray (Miss Universe 2018), mga kababaihan na nagdala ng pangalan sa ating bansa at nagbigay ng karangalan na makilala ang Pilipinas sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *