Gloria Diaz Lalabas Sa Isang TV Series Sa America Na Mapapanood Sa Netflix

Dahil sa pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya, marami nang mga tao ang nakadiskubre dahil sa kanilang mga kakayahan. Isa sa mga naging sikat ngayon sa social media ay ang mga Pinoy na kung saan ay may natatanging mga talento at kakayahan. Maliban sa social media, may mga kababayan na rin tayong mga artista na nabibigyan ng pagkakataon na lumabas sa mga pelikula o mga series na gawa mula sa ibang bansa. Katulad na lamang ni Kris Aquino na nabigyan ng pagkakataon na lumabas sa pelikulang “Crazy Rich Asian.”




Pero noong nakaraan lamang, sumikat ulit ang bandera ng Pilipinas sa ibang bansa nang may isa na namang kababayan natin ang napabilang sa isang “series” sa Netflix. At ang maswerteng artista na kabilang sa series ng Netflix na “Insatiable” ay walang iba kundi ang dating Miss Universe 1969 at batikang aktres na si Gloria Diaz.

Sa darating na Season 2 ng Insatiable ay lalabas si Gloria Diaz. Ang Insatiable ay kwento tungkol sa isang babaeng si Patty Bladell na naging tampulan ng tukso dahil sa kanyang katawan. Matapos ang aksidenteng kaniyang kinasangkutan niya ay malaki ang ibinawas ng kanyang timbang dahilan upang maghiganti siya sa lahat ng mga nanguna sa kaniya. Para magawa ito, kinailangan niyang sumali sa mga beauty pageants kung saan hinawakan siya ng isang pageant coach.

Si Isabelle Daza naman ang unang nag balita sa sambayanan tungkol sa pagka kabilang ng kanyang ina sa naturang programa mula sa Amerika. Makikita sa post ni Daza sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account kung saan idineklara niya ang partisipasyon ni Gloria sa naturang programa. Nilibot niya rin ang mga netizens sa lugar kung saan isinasagawa ang paggawa ng Insatiable.

“And as they take each scene, the platform shows exactly all the requirements needed. This platform was created for organizing continuity in filming tv shows and movies. Perfect for wardrobe & art departments.” Bilang isang Pinoy, isang malaking karangalan na makita ang ating kababayan na kasama ang ibang artista mula sa ibang bansa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *