Grab Magpapataw Ng Multa Sa Mga Pasahero Na Magkakansela Ng Kanilang Booking

Malaki na rin ang pinagbago ng pamamaraan ng pamumuhay natin dahil sa malaking pagbabago ng teknolohiya. Nakatulong ito higit sa mga taong wala nang oras upang gawin ang mga simpleng bagay. Napagaan rin nito ang iba nating mga trabaho na sa pamamagitan lamang ng isang “click” ay maaari mo nang makuha ang iyong nais.




Isa sa mga hatid ng modernong teknolohiya ay ang “carpooling.” Ang carpooling ay parang pagsakay lamang sa taxi ngunit sa mas maayos na sistema. Sa pamamagitan ng isang application sa cellphone at tulong ng internet maaari kang makahanap ng sasakyan mong taxi at i-book ito. Matapos ito, hihintayin mo na lamang na dumating ang sasakyang ito sa kinaroroonan mo.

Malaking ginhawa ito sa mga pasahero dahil hindi na nila kailangan maghintay ng pagka tagal-tagal para lamang makahanap ng taxi. Maliban pa rito, uso rin kasi sa mga taxi drivers ang mangontrata at mang-isnab ng mga pasahero.

Isa sa mga sikat na carpooling application ay ang Grab. Katulad ng nabanggit, ang Grab ay naghahatid ng sistematikong transportasyon sa mga pasahero at dagdag kita sa mga taong may sariling sasakyan. Hindi naman mawawala syempre ang mga pasaway na pasahero at ang mapiling driver.

Marami na ring kaso ang naitala ng Grab kung saan mahilig magkansela ng kanilang booking ang mga pasahero at kung minsan ay hindi sinipot ng mga pasahero ang mga Grab driver sa lugar na nakalagay sa kanilang GPS. Siyempre, may mga Grab driver din na mahilig magkansela ng mga pasahero.

Para maiwasan ito, nagbaba ang Grab ng panukala kung saan ang mga pasaherong magka-cancel ng kanilang mga booking pagkalagas ng 5 minuto matapos mag-book ay papatawan ng P50 na multa. Ito ay para mabigyan ng kunsuwelo ang mga Grab driver para sa nasayang na krudo ng kanilang sasakyan na patungo sa lugar ng pasahero. Ito ay ayon kay Brian Cu ang presidente ng Grab dito sa Pilipinas.

Maliban pa sa multang ito, maaaring masuspinde ng 1 araw ang pasahero sa paggamit ng application kung sakaling maparami ang pag cancel nito ng mga booking.
Sa pagkakataong driver nahuli ang driver ng 15 minuto mula sa estimated time of arrival, maaaring mag-cancel ng booking ang pasahero ng walang multa. Ang mga driver naman na mahilig mag cancel o mang balewalang booking ay maaaring kanselahin o tanggalan ng karapatang bumiyahe gamit ang Grab. Good news ito para sa mga driver at pasahero para hindi masayang ang oras at effort ng magkabilang panig.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *