Grade 1 Lang Ang Tinapos Ng Lalaking Ito Ngunit Isa Na Siyang Multi-Millionaire Ngayon

Noong tayo ay bata pa lamang, laging sinasabi sa atin ng mga magulang na wala silang maipapamana sa atin kundi ang edukasyon. Ito kasi tanging bagay na hindi mananakaw ninuman sa atin.




Para rin sa karamihan sa atin, ito ang mag-aangat sa atin sa buhay. Dahil kapag may pinag-aralan ka, madali kang makakakuha ng magandang trabaho. Kaya naman todo ang ating pagsusunog ng kilay para lang mairaos ang ating pag-aaral, kasabay rin nito ang paghihirap at sakripisyo ng ating mga magulang para lang matustusan ang ating mga gastusin sa eskwelahan.

Pero sa kasamaang palad, hindi lahat ng pamilya ay may kakayahang mag-aral ang kanilang mga anak dahil ang kanilang pera ay sakto lamang para sa kanilang kakainin sa araw na iyon. Sa sobrang hirap kasi ng buhay ay mas pinipili nilang matulungin sa bahay ang kanilang mga anak para mapakanibangan.

Pero syempre, hindi naman lahat ng mga may tinapos ay naging matagumpay sa buhay. At minsan, hindi rin hadlang ang kawalan ng diploma para magtagumpay ka sa buhay dahil karaniwan, ang mga taong naging matagumpay sa buhay ay ang mga taong madiskarte sa buhay.

Katulad na lamang ng lalaking ito na nagmula sa Malaysia. Anim na taong gulang pa lamang si Saipol Azmir Zainuddin nang siya’y huminto sa pag-aaral dahil pangarap niyang maging isang magsasaka. Bata pa lamang si Saipol ay alam na niya ang kalakaran ng tunay na buhay. Hindi katulad sa ibang bata na hilig makipaglaro at gawing hindi malilimutan ang kanilang kabataan, pinili niyang magsumikap at naging batak sa trabaho.

Dahil dito, P10,000 ang kaniyang kinikita sa pag-aalaga lamang ng baka. Tama, bata pa lamang siya ay marunong na siyang mag-alaga ng baka. Dahil sa kanilang angking galing sa pag-aalaga ng baka, nagkaroon siya ng 300 na baka. At sa edad na 19, nakautang siya ng P1,000,000.

Dahil nga pinangarap niyang maging isang magsasaka, kung kaya’t kinailangan niyang magkaroon ng sakahan. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng Farmers Organization Authority Malaysia. Pinalago niya ito kaya naman nagkaroon siya ng 700 na baka, 150 na kambing, at 30 na buffalo sa edad na 33. Sa sobrang dami ng kanyang alaga, kumikita siya ng aabot sa P12 milyon.

Talagang hindi masusukat sa taas ng pinag-aralan ang iyong tagumpay sa buhay, nasa diskarte mo ito sa buhay at kung paano mo tiningnan ang iyong sitwasyon sa buhay. Hindi mo kasalanan pinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo kung ililibing kang mahirap.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *