Gumanap Na Anak Ni Gong Yoo Sa Korean Zombie Film Na “Train To Busan” Isa Ng Napakagandang Dalaga Ngayon

Limang taon na ang matuling lumipas ng ipalabas ang popular na Korean Zombie film na “Train to Busan”. At sa mabilis na paglipas nga ng panahon, ay hindi naman natin namalayan na ang batang bumida noon sa pelikulang ito, ay dalaga na ngayon sa edad niyang 15.




Limang taong gulang lamang su Su-an ng magsimula siyang sumabak sa pag-arte, at ang pinaka naging pinakamalaki at matagumpay nga niya na proyektong ginawa kung saan mas nakita ng tao ang husay at galing niya ay ang pelikulang “Train to Busan” kung saan 9-taong gulang lamang siya noon.

Image Credit via Google

Samantala, ngayon nga ay 15-taong gulang na si Su-an, at sa kanyang pagdadalaga ay mas lalo pa ngang nagiging kapansin-pansin ang kanyang karisma at kakyutan na taglay. Ilang mga serye, Korean drama at musical na rin ang kanyang kinabilangan.

Image Credit via Google

Nito nga lamang nakaraan ay naging agaw-pansin ang taglay na kagandahan ngayon ng 15-taong gulang ng si Su-an, matapos ibahagi ng kanyang talent agency na Blossom Entertainment ang ilang behind-the-scene videos ng dalaga.

Image Credit via Google

Ilan naman sa mga proyekto ng kinabilangan ni Suan ay ang mga Korean series na “Sisters in Law” (2017), Along With the Gods: The Two Worlds (2018) at ang A Little Princess (2019).
Sa kasalukuyan ay may proyekto din si Su-an na ipapalabas pa lamang ngayong buwna ng Oktubre, at ito nga ay may titulong “Reflection of You” ng JTBC drama.

Image Credit via Google

Bago naman ito, noon lamang buwan ng Agosto ay naglabas din ng bagong update ang Blossom Entertainment, kung saan ay kanilang ibinahagi ang larawan ni Su-an na may hawak na tickets para sa ika- 7th Jecheon International Music and Film Festival.




Makikita naman sa mga larawan ni Su-an na kumakalat ngayon sa social media, na mula nga sa isang cute na bata noon sa pelikulang “Train to Busan”, ay sadya namang napakaganda ng dalaga niya ngayon, ngunit magiging kapansin-pansin rin na taglay pa rin niya ang kanyang “adorable cheeks” na isa ata sa mga talagang napapansin sa kanya ng marami niyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *