Gwapong Aktor Na Si Carlo Agassi Proud Na Ipinakilala Ang Kanyang Non-Showbiz Girlfriend Sa Publiko

“My girl”, ganito ang naging pagpapakilala ng rapper-actor na si Carlo Agassi sa kanyang non-showbiz girlfriend na ngayon ay siyang nagbibigay saya sa kanyang buhay pag-ibig.
Nito ngang ika-27 ng Setyembre, araw ng Linggo ay nagbabago ang aktor ng mga larawan niya, kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na kinilalang si Sarina Yamamoto.



Makikita nga sa larawan ng aktor, na proud na proud ito sa kanyang girlfriend ngayon, dahil talaga namang hindi lang ito maganda, kundi napaka-seksi pa.Isa nga sa mga agaw-pansin na larawan ng magkasintahan ay ang sweet na sweet nilang larawan, kung saan silang dalawa ay magkayakap na naka-pise sa isang mamahaling sasakyan.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam
Sa Instagram account naman ni Carlo, ay makikita ang marami pa nilang mga larawan ng kanyang nobya, kung saan ay madalas silang magkasama.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam
Masasabi nga natin sa nakikita nating mga ngiti at saya ngayon sa aktor, na tila natagpuan na nito ang babaeng talagang nagpapasaya at nagbibigay ng makulay na mundo sa kanyang buhay pag-ibig.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam
Samantala, kung ating babalikan ang dating mga lovelife ng aktor, ay masasabi natin na bago pa nga niya natagpuang muli ang kasiyahan sa pag-ibig ay naranasan muna nito ang makaramdam ng pagkabigo ay kalungkutan.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam
Matatandaan nga na noon ang naging karelasyon ni Carlo Agassi si Margo Midwinter, isang dating PBB housemates na may lahing Filipino-British. Ngunit ang kanilang relasyon ay tumagal lamang ng dalawang taon, at sa naging paghihiwalay nga ng dalawa, ay labis na nasaktan ang aktor.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam
Isa nga ito sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay pag-ibig ni Carlo Agassi, ito ay dahil sa bago pa man sila magkahiwalay ng dati niyang nobya, ay inalok niya ng kasal si Margo, ngunit dahil sa hindi pa ito handang lumagay sa tahimik na buhay, ay nauwi na lamang sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam



Ang aktor noon ay 34-taong gulang, samantalang si Margo na dati niyang nobya ay 26-taon pa lamang, kaya naman malaki ang agwat ng kanilang edad, at dahil sa bata pa si Margo sa edad na 26, ay tinanggihan nito ang alok na kasal sa kanya ng aktor.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam
Si Carlo Agassi, ay isa sa mga hinahangaang aktor na industriya ng showbiz, at mas nakilala pa siya noon ng mapabilang siya sa grupong “The hunks”, kung saan ay kasama niya ang mga kapwa gwapong aktor na si Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca.
Photo Credit: sarinayamamoto/Instagam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *