Gwen Zamora at Dj Semerad Masayang Ipinasilip Ang Malawak Na Pagtatayuam Ng Kanilang Pangarap Na Bahay

Isang panibagong blessing na naman nga ang nakamtan ng mag-asawang Gwen Zamora at Dj Semerad para sa kanilang pamilya, at ito nga ay ang naging pagkakapundar nila ng lote na pagtatayuan nila ng kanilang magiging bagong ‘dream house’.




Masayang Ang ibinahagi ng dating bubble gang actress na si Gwen Zamora kasama ang asawa niyang si Dj Semerad sa kanyang Instagram, ang naging pagkakabili nila ng isang lote, kung saan ay itunuturin nga nila itong panibagong biyaya sa kanilang pamilya.

Photo Credit: gwenzamora/Instagram

Sa Instagram ni Gwen ay makikita ang larawan nilang mag-asawa na hawak-hawak ang titulo ng nasabing lote na kanila ng ang nabili. “Blessed and Grateful”, ang nilagay ngang caption ni Gwen sa larawan.

Photo Credit: gwenzamora/Instagram

Makikita naman sa Instagram ni Dj ang naging pag-post din nito ng larawan na may caption naman na; “We are taking the next step as family, blessed.” Bumuhos naman ang ‘congratulatory’ message para sa mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng industriya ng showbiz.

Photo Credit: gwenzamora/Instagram

Samantala, para nga sa mag-asawang Gwen at Dj ay isang achievement na naman nila ang pagkakaiba nila ng lote. Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay nanatili sa Batangas City sa kanilang Cabin Home sina Gwen at Dj, dahil sa naabot sila doon ng quarantine, at buwan na nga ng Hulyo ng makabalik sila ng Maynila.

Photo Credit: gwenzamora/Instagram

Matapos makabalik sa Maynila, ay agad namang lumipad papuntang France ang dalawa at doon na nga nila idinaos ang kanilang kasal. Sina Gwen at Dj ay mayroon ng isang anak, at ito nga ay isang malusog na baby boy na isinilang noong buwan ng Agosto taong 2019, pinangalanan nila itong si Cooper John.




Si Gwen Zamora ay anim na taong naging sexy actress ng Kapuso network, at ngayon nga ay isa na siyang freelancer na kadalasan ay napapanood natin sa GMA at ABS-CBN network. Nang siya naman ay bumuo na ng pamilya, at ng isinilang na nga niya ang anak nila ni Dj na si Cooper John ay mas binigyang pokus niya muna ang pagiging isang fulltime mommy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *