Halagang 1000 Naging Kilig Special Challenge Ng Mag-Jowang Vice Ganda At Ion Perez Para Sa Kanilang Monthsary

Sa magkasintahan o mag-jowa, madalas na ipinagdiriwang ang monthsary, ang iba ay todo effort sa pagbibigay ng mga bagay na maaring makapagbigay kasiyahan sa kanilang partner sa buhay upang ipadama ang kanilang pagmamahal rito.



ngunit may iba naman na ginagawa lamang ang simpleng pagde-date, pagkain ng magkasama sa labas o kahit sa tahanan lang, pero ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang masayang ipinagdiwang ang espesyal na araw para sa kanilang dalawang nagmamahalan.
Ngunit sa popular na mag-jowa ngayon na sina Vice Ganda at Ion Perez, ay mas ninais nila na gawing challenging ngunit may kilig ang magiging pagdiriwang ng kanilang monthsary, sa pamamagitan ng challenge nila sa isa’t isa.
Sa “Gandang Gabi Vice” na mapapanood tuwing sabado ng gabi, ay madalas nag-a-upload si Vice Ganda ng mga live episode, ngunit ngayon ay isang “kilig-worthy” special video nila ng kanyang partner na si Ion Perez ang kanyang ibinahagi.
Ang video na ibinahagi ni Vice ang ang kanyang vlog, kung saan nilalaman nito ang challenge nila ng partner niyang si Ion Perez para sa masayang selebrasyon ng kanilang monthsary.
Ayon kay Vice, ang challenge na ito ay ang paghahanap nila ni Ion ng pwede nilang iregalo sa isa’t isa, na kung saan dapat ito ay nagkakahalaga lamang ng PHP1,000.
Ibinahagi rin ni Vice sa kanyang video, na ilang buwan na lamang ay ipagdiwang na rin nila ni Ion ang kanilang ika-2 anibersaryo bilang mag-partner.
Matatandaan na noong Nobyembre 2019 ng amining nina Vice Ganda at Ion Perez na silang dalawa ay nag de-date na, pero noong mga panahong iyon pala ay halos isang taon na rin silang may relasyon dalawa.



Tulad nga ng ilang mga naging relasyon ni Vice, ay mas ninais nitong maging sikreto umano ang relasyon nila noon ni Ion Perez. Ngunit para naman kay Ion, ay mas nais niya na malaman ng publiko ang relasyon na mayroon sila.

 

View this post on Instagram

 

O pamatay vagot! Humarot tayo ng very light. Watch my latest Youtube vlog. Link in bio.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

kaya naman proud nitong inihayag sa Madlang people ang tunay na relasyon nila ni Vice at proud na inamin na mahal niya ang komedyante. Sa naging pag-amin naman ng dalawa at pagpapakatotoo ni Ion sa nararamdaman niya para kay Vice, ay mas lalo pa nga silang minahal at hinahangaan ng madlang people.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *