Handa Ka Bang Gumastos Ng P5 Milyon Para Magbakasyon Ng Isang Gabi Sa Islang Ito?

Maraming nagsasabi na hindi nabibili ng kahit gaano kalaking halaga ng pera ang kasiyahan ng isang tao. Tama nga naman. Pero ating palatandaan na ang pera rin ang may kakayahang makabili ng ating mga gustong bagay na maaaring nakakapagpasaya sa atin.




Sakaling ikaw ay may napakalaking halaga ng pera, anong mga bagay ang iyong bibilhin na sa tingin mo’y makakapagpasaya sa iyo? Kotse? Bahay? Lupa? Mga luho mo sa buhay? Maaari. Pero alam mo bang pwede kang magrenta ng isang buong isla kapalit ng napakalaking halaga?

Matatagpuan sa probinsya ng Palawan ang 15 na acre na isla na kung tawagin ay Banwa Private Island at maaari mo itong rentahan sa loob ng hindi bababa ng tatlong gabi. Ngunit ang pribadong isla na ito ay nangangailangan ng malaking halaga ng pera para masolo mo sa loob ng 3 gabi.

Ang rent sa pribadong isla kada gabi ay nagkakahalaga ng higit P5 milyon kada gabi. At kung susumahin kakailanganin mo ng P15.6 milyon dahil ang minimum na renta ay 3 gabi. Pero syempre, kasama na rito ang de kalidad na serbisyo, akomodasyon, at pagkain sa babayaran mo.

48 na tao rin ang pwedeng mag hati-hati para sa babayarang P15.6 milyon dahil 48 na tao rin ang maaaring magrenta ng isla. Ang isla ng ito ay may anim na villa na matatagpuan sa dalampasigan. Maliban pa rito, maaari ka ring mag-relax sa 12 garden rooms at isang top-level na residential suite. At hindi mo na rin kailangang mag-alala sa pagkain dahil kasama na ito sa iyong babayaran. Galing sa Palawan ang lahat ng mga pagkaing ihahanda sa’yo na mga chef pa ang nagluto.

Maliban sa akomodasyon at pagkain, may mga lugar rin sa isla na maaari mong ma-enjoy katulad ng tennis court, gym, masahe, at puwede ka ring mag-jogging dito. Ngunit walang byahe ang mga barko o eroplano sa isla kung kaya’t kakailanganin mo pang sumakay ng helicopter upang marating ang isla.

Puwede ring pribadong seaplane ang iyong rentahan.
Aabot sa P600,000 ang pamasahe para makapunta sa isla dahil hindi ito kasama sa babayaran mo para marentahan ang mismong isla. Huwag kang mag-alala dahil helicopter rin naman ang sasakyan mo. Kayo mo ba?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *