“Happy Pride Philippines” Raymond Gutierrez Proud Na Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Foreigner Boyfriend

Proud ng ipinakilala ng celebrity host at influencer na si Raymond Gutierrez o mas kilala ngayon bilang si Mond Gutierrez sa publiko ang kanyang foreigner boyfriend.
Nito nga lamang nakaraang araw ng Sabado, kasabay ng pagdiriwang ng ‘Pride Month’ ng ating LGBTQ community, ay buong pagmamalaki na ngang ini-reveal ni Mond Gutierrez sa madla ang hitsura ng kanyang partner. Nagbahagi si Mond sa kanyang Instagram account ng larawan kung saan ay makikita siya at ang kanyang partner na magkahawak-kamay na naglalakad sa beach.




Maliban pa dito ay nagbahagi din si Mond ng photo booth snaps kung saan ay makikita naman na nag-kiss sila ng kanyang partner. “Celebrate your love! Happy Pride, Philippines”, saad ng celebrity host-influencer.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Makikita naman na naka-tag sa post na ito ni Mond ang user named na Robert William, na hinuha nga ng publiko ay ito nga ang pangalan ng partner ng celebrity host. Mapapansin din nag-reply pa nga ng katagang “I love you” sa post na ni Mond si Robert William.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Kaagad namang bumuhos ang napakaraming komento sa post na ito ni Mond, kung saan karamihan nga sa mga mababasang komento ay nagpapakita ng suporta para sa buhay pag-ibig niya ngayon, at ito ay mula nga sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga tagahanga.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“Happy for you”, ang mababasang komento ng kakambal ni Mond na si Richard Gutierrez.
“Soooooo soooo happy for you! Can’t wait to meet him”, ang naging komento naman ng kaibigan niyang aktres na si Anne Curtis.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“The launch! Love it”, komento naman ng kaibigan ni Mond na si Wil Dasovich.
Samantala, mula nga ng i-post ni Mond Gutierrez ang naturang larawan at proud ngang isapubliko ang pagkakakilanlan ng kanyang partner ngayon ay agad nga itong nakatanggap ng mahigit na 40,000 na likes reactions.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon ng aminin ni Raymond Gutierrez sa publiko ang kanyang pagiging isang ‘gay’, kung saan ayon nga sa kanya ay mula nga ng ilabas niya sa lahat ang tunay niyang pagkatao ay mas gumaan ang kanyang pakiramdam.




Nang tanungin naman siya patungkol sa kung ano ang naging reaksyon ng kanyang pamilya, ay masayang ibinahagi ni Mond na buo ang suporta na natanggap niya mula sa mga ito, lalo na nga sa kanyang mga magulang at maging sa kanyang kakambal na si Richard Gutierrez. Ayon pa kay Mond, as long as wala naman siyang tinatapakang tao, ay ‘deserve’ niya ang maging masaya at maging proud sa kung sino at ano talaga siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *