Harlene Bautista May Bagong Nagpapasaya At Nagpapatibok Sa Puso Niya Ngayon

Masayang ibinahagi ni Harlene Bautista na ngayon ay may nagpapasaya at nagpapatibok ng muli sa puso niya ngayon.




Ayon nga sa dating child star/actress, ay makulay ang buhay pag-ibig nila ngayon, ng kanyang karelasyon na si Federico Moreno, kung saan ang magandang relasyon umano nilang dalawa ay nagsimula noong ika-5 ng Agosto.

Image Credit via Google

Isang larawan na kuha umano noong “1st monthsary” nina Harlene at Federico ang ibinahagi sa digital show na “Just In”. At dito nga ay makikita ang dalawa na magkasama, at masayang kumakain sa isang restawrant noong buwan ng Setyembre.

Image Credit via Google

“September 5, first monthsary. Biruin mo ‘yun monthsary”, ang naging masaya ngang pagbabahagi ni Harlene.

Image Credit via Google

Samantala, sa Facebook account naman ni Federico Moreno, ay makikita ang larawan nila ni Harlene, na nilakipan niya ng caption na “1st month, Harlene Bautista [heart emoji] na agad namang kumuha ng reaksiyon mula sa mga kaibigan nila at mga netizens kung saan ay marami sa mga ito ang nagpa-abot ng pagbati sa kanilang masayang relasyon.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Harlene, si Federico ang unang nag-post ng larawan nila na magkasama, kaya naman ng isa-publiko na ito, ay nag-post na rin siya ng larawan nilang dalawa.
“Siya yung unang nag-post. Sabi ko, ‘Okay, so sige”, saad nga ni Harlene.

“Hindi ako napilitan kung baga nagka-go signal ako na mag-post. Kasi ayoko rin naman na masyadong post nang post kasi hindi naman siya artista. Hindi naman talaga siya showbiz na showbiz. We all know that he’s the son of Kuya Germs pero very private talaga siya”, dagdag pa nito.

Kwento pa nga ni Harlene, alam niya na hnd maiiwasan na mapag-usapan ang kanilang relasyon, ito ay dahil nga siya’y isang artista. Ngunit sa kabila nito, ay nirerespeto niya naman ang pagiging pribadong tao ni Federico.

“Siyempre, hindi rin naman maiiwasan dahil artista ako.” “Kaya yun ‘nong nag-post siya. ‘Okay, pwede akong mag-post, parang ganon. Naghinay-hinay din ako. Siyempre ako naman, gusto ko post ako ng post, siyempre proud ka, kinikilig ka, ‘yung ganon.”




Si Harlene Bautista ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang dating child star at ngayon ay isa pa ring aktres, samantalang si Federico Moreno naman ay kilala bilang anak ni German Moreno, o mas kilala sa entablado bilang “Kuya Germs” o “The Master Showman.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *