Hayden Kho Inamin Na Gustong Magka-Baby Muli Sa Naging Sweet Na Kulitan Nila Ng Asawang si Dra. Vicki Belo

Sa bagong vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang YouTube channel ay mapapanood ang naging masayang kulitan, laglagan, at uber sa kasweetan nila ng kanyang asawang si Hayden Kho, ito nga ay nang silang mag-asawa ay sumabak sa ‘Lie Detector Challenge.”




Mapapanood nga sa unang bahagi ng video, ang naging pagpapaliwanag ng celebrity surgeon kung ano ang gamit ng ‘lie detector machine’, kung saan ayon nga kay Dra. Vicki Belo ito ay ginagamit sa pagsusuri ng ‘blood pressure, heart rate at perspiration’ ng isang tao, upang malaman kung ito ba ay nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling ito kapag tinanong ito.

Image Credit via YouTube

Ngunit sa ‘challenge’ umano na gagawin ng mag-asawa, ay ang laruan lamang na lie detector ng anak niyang si Scarlet ang kanilang kagamitan, kaya naman hindi ito masasabing reliable. At sana nga umano ay hindi sila magkapikunang mag-asawa sa huli dahil sa ‘challenge’ na kanilang gagawin.

Image Credit via YouTube

“If your partner is telling a lie, nakukuryente siya”, sey ni Vicki sabay tingin nga sa asawang si Hayden. “Bakit sa akin ka nakatingin?”, ang naging sagot naman ni Hayden, ng mapansin ang tingin sa kanya ng asawa.

Image Credit via YouTube

Dagdag na saad pa ni Dra. Vicki Belo, matagal na niya gusto i-test ang asawa, lalo na nga’t napakagaling, at napaka-inosente pa ng mukha. Kaya naman sa pagkakataon na ito, ay ‘chance’ na umano niya, ngunit sana nga lang ay hindi sila mag-away at nagkapikunan dalawa, dahil matagal na rin silang hindi nag-aaway.

Image Credit via YouTube

May naging suggestion naman ang dating aktor na si Hayden Kho, sa asawang si Vicki, kung saan ay sinabi nito na, “Pumirma muna tayo ng kontrata na walang away, after.”

Image Credit via YouTube

Samantala, parang nais pa nga ni Dra. Vicki na umatras sa naturang challenge, dahil sa takot nga umano siya na baka masakit sa kamay ang kuryente na magiging dulot ng lie detector test, ngunit sa bandang huli ay sinabi na rin niya na itutuloy niya ang ‘challenge.’

Image Credit via YouTube

Nang magsimula na nga ang challenge, isa sa mga katanungan, ay kung nais pa ba nilang mag-asawa na makaroon pa ng anak, upang magkaroon ng kapatid ang kanilang nag-iisang anak na si Scarlet.

Image Credit via YouTube

Nauna namang sumagot sa nasabing katanungan ay si Hayden, kung saan nga ay sinabi niya na gusto pa niya na magkaroon ng anak. Ngunit, habang nasa lie detector pa nga ang kanyang kamay, ay sinundan na agad ito ng katanungan ni Vicki, kung kanino niya gustong magka-anak.

Ang naging resulta nga ng ‘lie detector’, ay nanginginig ang kamay ni Hayden, na ang ibig sabihin ay nagsinungaling ito. Agad namang dumipensa si Hayden, na talagang gusto niya ang magkaroon muli ng anak, ngunit ang sumunod na tanong ni Vicki sa kanya ay nagpakaba sa kanya.

“Nakakatakot kaya, ‘With whom?”, ani Hayden. Humirit naman si Vicki, na kaya ito ang kanyang naging katanungan sa asawa, ay dahil kung gusto nito na nagkaroon pa ng anak, ay hindi na maaaring sa kanya.

“Kaya nga ‘yun ang tanong ko. If you want more children hindi na pwede sa akin. So, hindi ko alam kung kanino. Mag-aano ka ba diyan sa labas, ganu’n, or what? Hihintayin mong mamatay ako?”, ani ni Dra. Vicki.

Video Credit: Dr. Vicki Belo/YouTube

Hindi naman napigilan ni Vicki na tumawa ng tumawa ng siya na ang tinest, dahil sa naging sagot niya na ‘yes’ ay nakuryente rin siya ng lie detector test.




Samantala, ibinahagi naman ni Hayden, na kung ang anak na nilang si Scarlet ang tatanungin ay nais rin nito na magkaroon pa ng kapatid, ngunit ang gusto umano nito ay isang baby brother.

“Kapag tinanong kasi naming si Scarlet kung gusto pa niya ng kapatid, sasabihin niya, ‘As long as he’s a brother. ‘Wag lang daw sister, brother.” Sa katunayan pa nga ay mayroon ng isang extra room sa tahanan nila, na nakalaan nga para sa magiging baby brother ni Scarlet, dahil ito ay nakukulayan na ng asul. “Kaya ‘yung house na itinayo namin, kulay blue ‘yung extra room para just in case”, saad ng ani Hayden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *