Heart Evangelista Ibinahagi Ang Karanasan Bilang Step Mother Sa Mga Anak Ng Kanyang Asawa Na Si Chiz Escudero

Sa latest episode ng “Dear Heart” sa Youtube Channel ay nagbahagi ng ilang detalye si Heart Evangelista ng kanyang journey bilang isang stepmother ng kambal na anak ng kanyang asawang si Re. Chiz Escudero.

Image Credit via Google




Ayon kay Heart ay marami siyang pinagdaanan at natutunan bilang isang stepmother. Noon nga daw ay talagang hindi niya pa alam kung paano o saan siya lulugar bilang isang stepmother sa kambal na anak ng kanyang asawa lalo pa at bata pa ang mga ito sa edad na 4-na taong gulang noong una niya makilala at makasama ang mga ito.

Image Credit via Google

“I used to be confused about it because I’m the youngest in my family.” Saad pa ni Heart.
Noon nga daw ay madalas naitatanong ni Heart kung kaya ba niya na maging isang stepmother, kasi bunso siya sa magkakapatid.

Image Credit via Google

“It’s really going to push you to your limit because having a child is very special but your patience has to be the long and winding road you know because technically they are not really yours.”

Image Credit via Google

Ayon pa nga sa aktres kung ikaw ay isang stepmother, importante na alam mo sa sarili mo kung hanggang saan ka lamang lalo na pagdating sa pagdidisiplina kasi syempre mga bata yan talagang diyan masusubok yung haba ng pasensya mo, pero syempre yung pagmamahal at pag-aalaga walang boundaries yun talaga na dapat ipakita at iparamdam mo sa kanila na totoo yung pagmamahal mo.

Image Credit via Google

“You’ll never be their mom. You have to understand that and you have to respect they’ll always have their mom. You’ll just probably going to be their fun tita.” “They feel that if you force yourself or if you’re trying hard you just have to be yourself. You have to have pure intentions.”

Image Credit via Google

Pagbabahagi pa ng aktres bilang isang stepmother dapat matanggap mo sa sarili mon a kahit kailan hindi mo mapapalitan ang ina nila sa buhay nila. At kailangan mo din intidihin at irespeto na darating at darating talaga ang oras na hahanapin at gugustuhin niya kasama ang tunay nilang ina.

Para pa nga sa aktres para maging masaya at epektibong stepmother kailangan maging totoo ka lang sa kanila, ipakita mo ang totoong intention mo kasi kung nagpapanggap ka, nararamdaman ito ng mga bata.

Image Credit via Google




Hindi nga naman ganun kadali ang maging isang stepmother pero ayon kay Heart ngayon ay napakablessed niya at ng pamilya niya dahil sa kabila ng pagiging stepmother niya sa mga anak ng kanyang asawa ay masayang masaya naman ang ang kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *