Heart Evangelista Mamimigay Ng Tablet Upang Itulong Sa Mga Estudyanteng Walang Magagamit Sakaling Mag-Online Schooling

Dahil sa pagkakaroon ng quarantine protocols, gawa ng pandemic ngayon na Covid-19 ay marami sa mga paaralan at unibersidad ang gagawin munang online-school ang akademya ngayong taon upang makaiwas na rin sa peligro at pagkalat pa ng sakit.




Ngunit, hindi nga naman lahat ng pamilyang Pilipino ay kayang bumili ng gadgets o kagamitan na maaring gamitin ng kanilang mga anak para sa online home-schooling.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Sa kabila nito, patuloy na naman ang ginagawang pagpapa-abot ng tulong ng aktres na si Heart Evangelista sa ating mga kababayan na mas apektado ng kahirapan na dala ng pandemic.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Ngayon, ang pamimigay ng tablet para sa mga estudyanteng walang magagamit sa online schooling ang tulong na isasagawa ng aktres, upang makabawas man lang umano ito sa mga pinoproblema ng mga magulang na kapos ngayon dahil sa krisis na dulot ng pandemic.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

“For those who don’t have tablets for online school please dm me on ig… I will be giving away as much tablets as I can,” ang tweet na ibinahagi ni Heart sa kanyang IG account kung saan ay makikita rin ang kanyang tablets na ipamimigay.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Makikita nga sa IG account ng aktres ang kanyang ibinahaging mensahe, at kung ano ang kanyang IG account na maaring padalhan ng mensahe para sa mga magulang na namomroblema ngayon kung saan kukunin ang gadgets na gagamitin ng kanilang mga anak sa online schooling na isasagawa ngayong taon.

Image Credit via Twitter/LoveMarie O. Escudero
@heart021485

Marami ngang mga magulang ngayon, ang hindi alam kung saan pa kukunin ang kanilang budget para sa karagdagang gastusin ngayon tulad ng gadgets at internet connection.




Matatandaan nga na noong nakaraang linggo lamang, ay may isang 63-taong gulang na lola na nagtitinda lamang ng mga gulay ang inipon ang lahat ng kanyang kinikita upang maibili lamang ng cellphone na para sa kanyang apo na pang-gamit nito sa pag-aaral ngayong taon.

Muli nga naman ay pinahanga ni Heart ang kanyang mga tagahanga dahil sa kabutihan ng kanyang puso, dahil malaking tulong nga naman ito sa mga estudyanteng mahihirap na hindi kayang bilhan ng kanilang mga magulang ng gadgets na gagamitin sakaling magkaron ng online schooling sa kanilang paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *