Heart Evangelista Muling Inalala Ang Mga Panahon Na Hirap Siyang Kumita At Kailangan Niya Pang Magpa-Seksi

Isa sa mga matagumpay at hinahangaang personalidad ngayon sa industriya ng showbiz ay ang aktrez at fashion icon na si Heart Evangelista. Ngunit marahil ay marami sa atin ang hindi nakababatid na bago narating ni Heart ang tagumpay at magandang buhay na tinatamasa niya ngayon, ay dumaan muna siya sa matinding pagsubok at paghihirap.




Ayon nga kay Heart, marami sa mga tao ang makikita lamang ay ang kanyang naging tagumpay at tinatamasa ng marangyang buhay ngayon, ngunit hindi nga alam ng mga ito na tulad ng ibang mga tao ay matinding pagsusumikap at pagtatrabaho ang kanyang ginawa upang makamit kung ano man ang masaganang buhay na meron siya ngayon.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

“People may say this and that because they only see the ‘finished product’ but nobody knows what you had to go through to be where you are so,… cheers to life!”, ang naging saad nga ni Heart ng muling alalahanin ang kanyang mga pinagdaanan

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Noon nga lamang ika-8 ng Marso, ay muling inalala ng actress-fashion icon ang mga panahon na naranasan niyang magipit sa pera dahil sa kinumpiska ng kanyang inang si Mommy Cecile Ongpauco ang kanyang pera. Kung kaya naman kailangan niya umanong gumawa ng paraan upang siya’y kumita, at isa nga sa mga ginawa niya ay ang pagpapa seksi.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Ayon nga kay Heart, ay nasubukan niya ang magpaseksi upang kumita ng tanggapin niya ang isang proyekto, kung saan ay kinuha nga siyang endorser ng isang popular na brand ng alak, kaya naman kailangan niyang magsuot ng seksing damit ng gawin niya ang calendar pictorial nito.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Dagdag pa ni Heart ay talagang matindi ang mga pinagdaanan niya noon, lalo pa’t maliban sa kinailangan niyang kumayod para sa kanyang sarili ay naging mainit pa ang isyu ng mga panahong iyon ang tungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Sen. Chiz Escudero, dahil sa tutol ang kanyang mga magulang sa relasyon niya sa senador.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Maliban pa dito ay ibinahagi rin ni Heart sa kanyang IG story ang naging karanasan niya noong mag-pictorial siya bilang calendar girl ng isang kilalang brand ng alak, taong 2014. Kalakip ng nito ay ang pagpapakita rin niya ng larawan niya noong panahong iyon, kung saan nga ay makikita na wala sa kanyang loob ang pagsuot ng seksing one piece at two piece swimsuit.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

“I can’t believe I did this hahaha #tanduay shoot 2014” “My mom confiscated ng money. So i need to to this.. Haha hirap kumita.” Inamin na naman ni Heart na mayroon siyang isang larawan na hindi niya nagustuhan ang lay-out ng photoshoot, ngunit ito ay kanyang nairaos dahil sa ‘pep talk’ ng isa niyang kaibigan sa kanya.

Ibinahagi pa nga ng akres ang iba pa niyang mga seksing larawan na kuha nga noong siya ay nagpa-seksi upang kumita lamang ng sarili niyang pera. Kung saan ang iba nga sa mga ito, ay mababanaag sa mukha ng aktres, na hindi siya masaya sa kanyang ginawang pagpapasya sa larawan.

Sa caption nga ni Heart sa isa niyang larawan, kung saan ayon sa kanya ay paborito niya sa mga sexy photo niya ay sinabi niya na hindi niya inakala na na kaya niyang gawin ang pagpapa seksi, ngunit hindi na umano niya nais na maulit pa ang eksperyensa niyang ito sa kanyang buhay.

“This was my favorite but it wasn’t too sexy – so they didn’t like it I think! Haha (more me?) Looking back? Glad i did it, won’t do it again though”, ani Heart. Laking pasasalamat naman ni Heart dahil sa kabila ng maraming hirap at pagsubok na kanyang karanasan sa kanyang buhay, mula ng siya’y maging independent ay hindi siya pinabayaan ng Poong Maykapal.




At dahil nga sa kanyang naginv pagtitiwala sa Itaas, ay nalampasan niya ang lahatnng hirap na pinagdaanan niya sa kanyang buhay. “After 7 years rewatched this painful interview… made me look and my old pictures and struggles nobody knew about.

wow all I can say..Thank you God for guiding me.” “I always believe in having a childlike faith… I finally got my happy life…” “Cheers to where it has TAKEN you! LIVe to the fullest!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *