Heartthrob Gerald Anderson Ipinasilip Ang Kanyang Napakagandang Private Resort Sa Zambales

Dahil sa pagkakaroon ng krisis sa ating bansa, kung saan ay marami sa atin ang bihira lamang lumabas ng kanilang mga tahanan, ay upang hindi makaramdam ng boredom ay nilibang na lamang ang mga sarili sa mga bagay na sa tingin nila ay pwede nila pagka-abalahan.



Isa na nga sa mga ito ang gwapong aktor at kapamilya heartthrob na si Gerald Anderson, kung saan ay sa kabila ng pagkakaroon ng lockdown, ay nilibang na lamang ang kanyang sarili sa bagay na kapaki-pakinabang para sa kanya, at ito nga ay ang pag papa-ayos at pagpapaganda pa lalo ng kanyang private resort sa Zambales.
Sa kanya ngang Instagram account, ay ibinahagi ng binatang aktor, ang isang maikling video na kuha sa kanyang private resort. Sa nasabing video, ay natatanaw ang napakagandang tanawin sa resort na pagmamay-ari ng aktor.
Kalakip ng ibinahagi ng video na ito ni Gerald ay ang caption na “Hayati private resort, almost done.” Ayon nga sa caption ng aktor, ang pribadong resort na ito na kanyang pagmamay-ari ay tinawag niyang Hayati private resort.
Sa umaga, pag-gising pa lamang, ay ang maganda at kaakit-akit na sinag ng araw na agad ang sasalubong sa kanya, kung saan ay isa ito sa magandang tanawin na masarap sabayan ng pang higop ng mainit na kape sa umaga.
Pagsapit naman ng dapit-hapon, ay ang napakagandang tanawin, dulot ng papalubog na sikat ng araw naman ang iyong matutunghayan.
Sa taglay ngang ganda, aliwalas at nakakarelaks na tanawin sa private resort na ito ng aktor, ay talaga namang masasabi natin na sinoman ang mapasyal at bumisita rito ay mamangha sa ganda nito at talagang mag-eenjoy.
Matatandaan na hindi nga lamang ito, ang unang pagkakataon na ibinahagi ng aktor ang kanyang private resort sa kanyang vlog. Dahil noong nakaraang buwan ng Hunyo, ay madalas itong ibahagi ni Gerald, kung saan ay nagbibigay siya ng update sa mga progress na nagawa na niya upang mas lalo pang mapaganda ang kanyang resort.
Minsan na ring sinabi ni Gerald sa kanyang vlog, ang kanyang dahilan kung bakit siya bumili ng resort, at ito ay nga ay dahil matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng isang ari-arian na nasa tabi ng dalampasigan.
Makikita rin sa iba pang vlog ng aktor, na ilan sa mga naging pagpapaganda sa kanyang private resort ay siya mismo ang gumawa at trabaho, at ang mga ito ay ang kanyang pagpipintura sa pool area at ang paglalagay ng halaman sa ibang bahagi ng resort



Ayon pa kay Gerald, plano rin niyang palagyan ng mga out gym equipment sang kanyang resort, ito ay dahil sa madalas siyang mag-ehersisyo.

 

View this post on Instagram

 

Hayati private resort 🌴 almost ready 🌅

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Ilang mga kaibigan naman ng aktor sa industriya ang nagbigay ng kanilang suporta at papuri para sa bagong achievement na ito ni Gerald, at ang mga ito ay sina Rayver Cruz, Enchong Dee at Daniel Matsunaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *