Herlene Budol Ibinahagi Ang Katuparan Ng Kanyang Pangarap At Ang Pinaka-Espesyal Na Regalong Natanggap Mula Kay Willie Revillame

Si Herlene Budol o mas kilala na ngayon ng publiko bilang si Hipon Girl ng Wowowin ay isa sa mga hinahangaan ng maraming mga manonood ngayon. Ito ay dahil maliban sa karismang taglay niya at pagkakaroon niya ng magandang hubog ng katawan ay may angking talento din siya na magpatawa ng mga tao.




Hinangaan rin siya dahil sa kanyang pagiging simple at pagpapakatotoo sa kanyang sarili.
Siya’y unang nasilayan at nakilala sa telebisyon ng mapabilang siya sa mga naging kalahok ng segment ng Wowowin na “Willie of Fortune”, at dahil nga sa mga katangian na ipinakita niya, ay agad niyang nakuha ang loob ng host ng nasabing programa na si Kuya Wil o Willie Revillame.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Dahil sa nagustuhan ni Kuya Wil ang taglay na personalidad na mayroon si Herlene, ay agad siya nitong kinuha na maging isa sa mga host ng kanyang programa, at magmula nga noon ay mas ipinamalas pa nga ni Herlene ang kanyang talento sa pagpapasaya ng mga tao.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Samantala, naka-chikahan noon ng mga host na sina Iya Villania at Camille Prats sa morning show na “Mars Pa More” ng GMA-7 si Herlene nang siya nga ay sumagot sa mga katanungan ng segment na “Lighting Laglag.”

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Unang naitanong kay Herlene kung anong bagay ang pinakamahal niyang nabili para sa kanyang sarili. Agad namang sinagot ni Herlene na sapatos na halagang P4,600 ang kanyang nabili para sa kanyang sarili. Ibinahagi rin ni Herlene na bigay lamang sa kanya ang karamihan sa mga gamit niya.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Nang itanong naman kay Herlene kung sino sa showbiz ang kanyang nakaalitan ay diretsahan niyang sinabi na isang beauty queen na ma-attitude ang nakaalitan niya, at ito rin umano ang alam niyan kaya niyang tapatan sa showbiz.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Proud namang sinagot ni Herlene ang tanong sa kanya kung sino ang nagpapatibok sa kanyang puso, kung saan ay agad niya ngang sinagot na ang kanyang “Bebeloves” lamang ang nagmamay-ari ng puso niya.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Ibinahagi rin ni Herlene sa panayam na ito sa kanya na ang pinakamagandang regalo para sa kanya na natanggap niya mula sa TV host na si Kuya Wil ay ang binigay nitong oportunidad at pagkakataon na mapabilang siya sa programa nito,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

na siya ngang naging daan para matupad niya ang pangarap niya na makilala sa mundo ng telebisyon, kung saan ayon pa sa kanya ito nga ay hindi matutumbasan ng anumang halaga.




“Yung pinakapangarap ko po, natanggap ko na eh. Priceless po kasi sa’kin lahat eh. Yung mga perang binibigay niya sa’kin mas worth it po ‘yung binigyan niya ko ng tiyansang mapunta po dun sa kanya po”, saad ni Herlene.

Na-ichika rin ni Herlene kana Camille at Iya na kung bibigyan siya ng isang role sa showbiz na daring ang magiging dating ay buong puso niya itong tatanggapin, dahil alam niya na malaki ang maitutulong ng karanasang ito sa kanya para mas lalo pa siyang mahasa sa mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *