Herlene Budol O Mas Popular Bilang Si “Hipon Girl” Ipinakilala Na Ang Kanyang Real Life Boyfriend

Sa buhay isang celebrity ay hindi maiiwasan na ikaw ay i-link ng iyong mga tagahanga sa taong tingin nila ay nababagay sa iyo, dahil sa pagkakaroon niyo ng taong inililink nila sayo ng tinatawag na ‘chemistry’.




Kagaya na nga lamang ng mga tagahanga ni Herlene Budol na hindi napigil na makaramdam ng kilig ng magtagpo sa programang Wowowin kamakailan lamang si Herlene at ang napupusuan ng kanyang mga tagahanga na bagay sa dalaga, na si Patrick Bolton isang US Navy.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Samantala, lingid na sa kaalaman ng marami ay may real life boyfriend si Herlene a.k.a Hipon Girl, at ito nga ay kinilalang si Xam Troy Bello.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Sa latest post ni Herlene sa kanyang Facebook account, ay proud na inamin ng co-host ng Wowowin na makulay ang kanyang love life sa totoong buhay, dahil sa siya’y mayroong nobyo na hindi pang telebisyon, kundi pang totoong buhay. Ito ay matapos nga niyang batiin ang kanyang boyfriend sa social media noong araw ng kaarawan nito.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

“MAY BOYFRIEND AKOOOOOOO HINDI PANG TV PANG REALITY [red heart emoji]
Hi My Bebe Loves Happy Happy birthday sayo, first of all hanggang dulo I LOVE YOUUUU [kissing emoji]

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Eto lang promise ko sayo kahit sino dumating ikaw pa din pang tv lang sila ikaw pang reality [couple emoji] madami na tayo pinagdaanan kaya wapakels na sa mga chismosa at mga manggugulo. Walang kilig na makakatumbas sa araw araw mong dulot.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Sana maging masaya lang tayo, salamat sa pagpapasaya at pagiging inspirasyon nandito lang ako palagi para sayo MAHAL NA MAHAL KITA MY BEBELOVES Xam Troy Bello [more red heart emoji].

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Mababasa nga sa naging mensahe ni Herlene para sa kanyang nobyong si Troy na kahit ilan pang tao ang i-link sa kanya, ay binigyan niya ito ng kasiguraduhan na ito lamang ang tangi niyang mahal at nagbibigay kilig sa kanya.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram




Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Herlene dahil maliban sa pagiging isang co-host ng programang Wowowin, ay matagumpay ring tinatangkilik ng publiko ang kanyang unang kanta na “Talikodgenic” na gawa nga ni Lito Camo. Pinasalamatan rin niya si Willie Revillame, dahil sa suporta nito sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *