Herlene Budol Stunning Ang Ganda Sa Ginanap Na Bb. Pilipinas Grand Santacruzan

Noon lamang ika-14 ng Mayo ay muling nagpakabugan ng ganda ng kani-kanilang mga gown ang mga naging contenstant ng Binibining Pilipinas, at ito nga ay sa ginanap na Grand SantaCruzan event. Isa nga sa mga inabangan sa paradang ito ay si Herlene Budol o mas nakilala nga ng publiko bilang si Hipon Girl.




Batid naman ng publiko na noon ngang nakaraang Bb. Pilipinas pageant ay isa si Herlene sa mga sumabak at nagbakasakali na masungkit ang korona at titulo, ngunit sa kabila ng pagkabigo ay nakuha naman niya ang suporta at pagmamahal ng maraming Pilipino dahil sa pagiging isa niyang inspirasyon.

IMage Credit via Facebook

Sa opisyal na Facebook page ng Bibinibing Pilipinas ay ibinahagi nga nila ang mga larawan ng mga naging kalahok ng Binibining Pilipinas na nakilahok sa SantaCruzan suot ang kanilang mga nagagandahang mga gown. At isa nga sa mga ito ay si Herlene na talaga namang naging agaw-pansin ang kagandahan sa kanyang suot na mermaid-cut pink gown na may disenyong blue pearls at may headdress pa siya na umabot nga hanggang sa kanyang ankles ang haba.

IMage Credit via Facebook

Samantala, kung marami ang namangha sa napakagandang gown ni Herlene sa SantaCruzan ay marami din ang talagang napa-wow sa halaga nito. Ayon kasi sa mismong Instagram post ni Herlene a.k.a Hipon Girl ang kanyang gown at headdress na suot noong SantaCruzan ay nagkakahalaga ng Php150,000.

IMage Credit via Facebook

Bago pa man kasi ang SantaCruzan ay una ng nagbahagi si Herlene sa kanyang Instagram ng larawan at ito nga ay noong bago niya isuot ang naturang gown. Sa larawan ay makikita nga siyang nakatayo at naka-posing habang katabi ang naturang gown na ng mga sandaling iyon ay nakasuot pa sa isang mannequin.

IMage Credit via Facebook




“Mga Hiponatics, eto yung na assign kay Hipon girl nyo sa Binibining Pilipinas Pamayanan Guadalupe para sa Flores de Mayo. Ginastusan etong creation na sobrang detalyado sa halagang 150,000 php”, saad ni Herlene sa kanyang IG post.

Sa caption din ni Herlene ay nagpaabot siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng taong tumutulong at sumusuporta sa kanya lalo na noong panahon na siya ay sumabak sa pageant, tulad na lamang ng kanyang mga mentors, ang kanyang pamilya, ang kaibigan niyang si Madam Inutz.

Matatandaan na sa ginanap na Binibining Pilipinas 2022 kamakailan lamang ay isa nga si Herlene sa mga naging kalahok at nagawa nga niyang makapasok hanggang sa Top 40. Dahil nga sa kanyang ipinamalas na kakayahan at kumpyansa sa sarili ay mayroon na rin nga siyang pagkakataon na sumabak pa sa ibang pageant tulad na lamang ng Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental at Miss Grand International.

Nakilala ng publiko ang 22-taong gulang na si Herlene Budol ng siya ay magsimulang maging host ng programang Wowowin kung saan dito nga siya binasagan na Hipon Girl.

Leave a Reply

Your email address will not be published.