Hinahangaang Dancer Noon Ng Wowowee Na Si Luningning May Matagumpay Na Buhay Kahit Iniwan Ang Showbiz

Sa mundo ng industriya ng showbiz, bawat personalidad ay may kanya-kanyang husay at galing sa iba’t ibang mga larangan. Ang iba ay mahusay at hinahangaan sa larangan ng pag-awit at pag-arte, at may iba naman na iniidolo at nagiging popular dahil sa husay sa larangan ng pagsasayaw.




Samantala, isa sa mga personalidad na hinangaan ng marami dahil sa kanyang ipinakitang husay bilang mananayaw ay si Lea Carla Santos, o mas nakilala ng publiko bilang si Luningning, na mananayaw noon ng programang Wowowee, at kabilang sa miyembro ng ASF dancer’s ng nasabing programa.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Sa programang Wowowee sumikat at nagsimula ang karera ni Luningning, bilang isang mahusay na mananayaw. Ang kanyang cartwheel dance moves at nakakabilib na pag-split sa tuwing siya ay nagpapakitang gilas sa pagsasayaw, ang talagang mas hinangaan sa kanya ng mga manonood ng programang Wowowee.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Ngunit tunay ngang ang kasikatan at popularidad, ay mayroong hangganan at hindi magtatagal, dahil matapos ang ilang taong pamamayagpag ni Lunining, bilang isang mahusay na mananayaw ng programang Wowowee,

Photo Credit: luningning_08/Instagram

ay nagdesisyon itong iwan ang showbiz, ng mawala sa telebisyon ang programang Matatandaan na taong 2010, ng tuluyang iwanan ng mahusay na mananayaw na si Luningning ang kanyang karera sa showbiz.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Simula nga nito, ay wala ng ano pa mang nabalitaan tungkol sa kanya, hanggang nito lamang ay maging aktibo siya sa kanyang social media account, at ibahagi dito ang buhay na mayroon na siya ngayon.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Ayon nga sa Instagram post ni Luningning, mula sa dating dancer ng Wowowee, ay isa na itong business woman ngayon, kung saan ay isang fitness studio na tinawag niyang Stardanz, ang kanya ng pagmamay-ari.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Pinili ni Luningning na magtayo ng dance studio, dahil sa mahal na mahal at hilig niya talaga ang pagsasayaw, at sa negosyo niyang ito, ay magagamit niya ang kanyang talento, at mga natutunan bilang isang mananayaw noon sa telebisyon.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Maraming mga serbisyo ang ibinibigay ng Stardanz Fitness Studio ni Luningning, kung saan ito ay makakatulong sa kanilang customer upag mapanatili ang magandang pigura ng mga ito. Ang mga ehersisyo ngang ibinibigay ng kanyang fitness studio ay, Aerial Silk, Kali Pole, Belly Dance, Stilleto, Jazz Dance, Hoops, Dance Fitness at Pilates.

Photo Credit: luningning_08/Instagram

Makikita nga sa mga post ni Luningning sa kanyang Instagram, na matagumpay ito sa kanyang buhay ngayon bilang isang negosyante. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ay nalaman din natin, na hanggang ngayon, ay nanatili pa rin palang single si Luningning, at wala pa itong nakikita na makakatuwang niya sa kanyang buhay.




Maliban nga sa pagiging isang mahusay na mananayaw noon ni Luningning, ay hinangaan rin sa kanya ng mga netizens, ang pagkakaroon niya ng seksing pangangatawan.

At kahit nga matagal ng hindi napapanood si Luningning sa telebisyon, ay kitang kita sa dating Wowowee dancer, na hindi nagbago ang hubog ng katawan nito. Matatandaan nga na dahil sa taglay na kaseksihan ni Luningning, ay naitampok pa noong taong 2008 ang dalaga, sa FHM magazine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *