Hindi Inaasahan Ng Lalaking Ito Ang Gagawin Ng Kanyang Asawa Dahil Hindi Na Siya Naaasikaso Nito

Masakit malaman na mayroong kabit ang iyong asawa. Maliban sa isa itong uri ng panloloko, labag rin ito sa batas dito sa Pilipinas at paniniwalang Kristiyano. Kasalungat ng moralidad ng Kristiyano, ang pagkakaroon ng maraming asawa para sa lalaki ay isang katanggap-tanggap na sitwasyon sa kultura ng mga Muslim. Bagama’t puwede ito sa Islam, mahirap pa rin ang tumira sa iisang bubong kasama ang ibang asawa ng iyong sariling asawa.

Image Courtesy: Nur Fathonah Abdul Rahim / Facebook




Ngunit para kay Khuzatul Atiqah, ang pagkakaroon ng pangalawang asawa ng kanyang asawa ay siyang solusyon upang maging maayos ang kanilang relasyon. Naisip ni Khuzatol na hanapan ng pangalawang asawa ang kanyang asawang si Samuel Dzul. Nagdadalang-tao noon si Khuzatol kung kaya’t pakiramdam niya’y hindi niya naaasikaso ng mabuti ang kanyang asawa.

Image Courtesy: Nur Fathonah Abdul Rahim / Facebook

Sabi ni Khuzatol, palagi raw itong pagod at wala raw siyang magawa kung kaya’t naisip niyang maghanap ng pangalawang asawa para sa kanyang asawa upang may mag-alaga dito. Nang sabihin ni Khuzatul ang kanyang plano sa kanyang asawa ay nginitian lang umano nito si Khuzatul, isang senyales na nagsasabing pumayag ang kanyang asawa. Kaya naman, sa tulong social media, nakilala niya si Nur Fathonah Abdul Rahim. Bagama’t nagulat sa plano ni Khuzatul, tinanggap ni Fathonah ang alok kahit na may anak na ito.

Image Courtesy: Nur Fathonah Abdul Rahim / Facebook

Naging masaya ang pagsasama nilang tatlo kasama ang mga anak ni Fathonah. Walang inggit, o pagseselos ang namamagitan sa dalawang babaeng asawa. Natuwa rin si Fathonah sa pagtanggap ng pamilya ni Khuzatul sa kanyang mga anak. Sa katunayan, naging matalik pa ngang magkaibigan ang dalawang babae. Naramdaman rin ni Fathonah na talagang nag-aalala si Khuzatul sa kalagayan ng kanyang asawa kung kaya’t kinailangan niyang maghanap ng pangalawang asawa.

Image Courtesy: Nur Fathonah Abdul Rahim / Facebook

Minsan, may mga desisyon tayo sa buhay kung saan kailangan nating isakripisyo ang ating sariling kaligayahan upang mabigyang kaginhawaan ang sitwasyon ng mga mahal natin sa buhay. Para kay Khuzatul, may kahati man siya sa kanyang asawa, ang importante ay may mag-aalaga sa kaniya.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *