Hindi Napigilan Ni Mayor Isko Moreno Ang Kanyang Luha Dahil Sa Sinabi Ni Mike Enriquez

Matapos maupo ng mga nanalong kandidato sa kani-kanilang posisyon, marami na ang nagbago sa iba’t-ibang siyudad at bayan. Maraming mga kandidato noong eleksyon ang matagumpay na napatalsik sa pwesto ang mga politiko na naging laman na ng politika ng Pilipinas sa napakahabang panahon.

Photo Credit: Super Radyo DZBB 594khz




Ilan lamang sa kanila ay ang bagong alkalde ng San Juan City na si Francis Zamora na tinanggal sa puwesto ang pamilya Ejercito-Estrada na matagal nang nakaupo sa San Juan, si Mayor Vico Sotto na siyang tumapos sa 30 taong paninilbihan ng mga Eusebio at siyempre, ang isa sa mga natutulog na pangalan ngayon na si Isko Moreno na tinalo ang dating Presidente si Erap Estrada sa pagka-alkalde sa kabisera ng Pilipinas: ang Maynila.

Photo Credit: Super Radyo DZBB 594khz

Sa kanyang unang mga linggo bilang bagong alkalde ng Maynila, naging matunog siya sa publiko at laging laman ng media at social media dahil sa kanyang mga ginawa at sa kanyang mga ginawa. Sa loob lamang ng halos isang buwan ay nagawa niyang linisin ang pinakamasarap na mga daanan noon sa Maynila katulad ng Divisoria at Carriedo. Maliban pa rito, nagawa niya ring linisin ang Underpass sa Lagusnilad na siyang pinamahayan na ng mga vendors. Binalik niya rin ang dating ganda ng Bonifacio Shrine at pinaalis ang mga nagbebenta sa paligid nito.

Ilan lamang iyan sa mga panukala ni Mayor Isko sa kanyang mga unang araw bilang isang alkalde na labis namang ikinatuwa ng mga tao, hindi lamang mga taga-Maynila kundi pati na rin ng sambayanang Pilipino.

Nabanggit rin ni Mayor Isko sa programang Saksi sa Dobol B ni Mike Enriquez sa DZBB na kaniyang binibigyang pansin ang mga lugar na low-lying area dahil sa malakas na pag-ulan kung saan dito nagsimula ang mga lalo pa’t dumating na ang tag-ulan. Ng kamustahin naman siya ni Mike tungkol sa Maynila, inamin ng alkalde na hindi biro ang siyudad ng Maynila ngunit kailangan niyang itaguyod ang kanyang mga panukala upang makita ang pagbabago ang Maynila.

Bilang pagtatapos sa programa, nabanggit ni Mike na may isang taong tuwang-tuwa sa mga ginagawa ni Mayor Isko. Sa una’y nagtataka ang itsura ng alkalde ngunit nang sabihin ni Mike na si Kuya Germs ang kanyang tinutukoy ay hindi napiligilan ng alkalde ang maging emosyonal. Malaki ang utang na loob ni Mayor Isko kay Kuya Germs Moreno.

Naranasan na ni Mayor Isko ang maging palaboy noon sa kalsada at mangalakal upang may makain lamang. Kaya naman laking pasasalamat niya nang nadiskubre siya ni Kuya Germs at maipasok sa That’s Entertainment na si Kuya Germs ang host. Ito ang naging simula ng kanyang karera sa showbiz hanggang pumasok ito sa pulitika.

Video Credit: Super Radyo DZBB 594khz




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *