Hindi Napigilan Ni Mega Star Sharon Cuneta Ang Maging Emosyonal Ng Makausap Sa Pamamagitan Ng FaceTime Ang Panganay Na Anak Niyang Si KC Concepcion

Sa Instagram post ni Mega Star Sharon Cuneta noong ika-28 ng Abril ay makikita ang pagiging emosyonal niya ng makausap niya via Facetime ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.




Nang araw kasi na ‘yon ay ipinagdiriwang ni Sharon at kanyang asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang kanilang silver wedding anniversary, kaya naman naisipan nito na tawagan ang anak para maging parte ng okasyon na kanilang ipinagdiriwang.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instargam

Tumawag si Sharo sa kanyang anak na si KC para kamustahin ito, at ng makita nga ni Mega Star ang kanyang anak kahit sa FaceTime lamang ay hindi nito napagil ang sarili na mapa-iyak. Sinabi pa ni Sharon, na nais niyang padalhan ang anak ng bulaklak at pagkain sa araw ng kaarawan nito.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instargam

“It’s okay. Hi, mom, I’m here for you”, ang maririnig na saad ni KC. Maririnig naman sa isa pang bahagi ng video ang naging pagtanong ni KC sa kanyang inang si Sharon kung kamusta na ang pakiramdam nito, at ang sinagot naman ito ng Mega Star na sa kabila ng hindi okay ang kanyang puso ay okay naman ang kanyang pakiramdam.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instargam

“I’m okay, my heart isn’t okay but I’m okay”, ani Sharon.s Sinabi naman ni KC sa kanyang ina na lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari ang pagsubok na ito ngayon sa kanyang ina. Pahayag pa niya gusto niyang yakapin ang inang si Sharon ng mahigpit sa panahon na alam niyang kailangan siya nito.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

“I want to hug you! My gosh, I want to hug you so bad”, ani KC sa kanyang inang si Sharon.
Inamin naman ng Mega Star na kaya siya naging emosyonal habang kausap ang anak niyang si KC ay dahil sa ngayon ay hindi maganda ang sitwasyon ng kanyang kalusugan.

Samantala, sa Instagram account naman ni KC Concepcion ay makikita ang naging pagbabahagi nito bihira itong mag-video call sa kanyang mommy, ngunit masaya siya na naging parte siya ng silver wedding anniversary celebration nito at asawang si Kiko.

“A video call from mom is super rare and I cherish every second of it!!! You have no idea how excited I get to have a chance to just do a bit of girl talk with you @reallysharoncuneta”, pahayag ni KC.




Dagdag pa niya, “Hope you like the food I sent ‘cause wasn’t sure if you were going to have a nice dinner tonight or not… and ganda ng Nanay ko!!! My heart is filled rith gratitude for so many reasons. Love you Ma.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *