Hindi Parin Kumukupas Ang Ganda Ni “Thalia” Ang Bida Sa Sikat Na Seryeng Marimar Kahit Ito Ay 48 Taon Gulang Na

Natatandaan nyo pa ba ang Mexican Series na “Marimar”, isa ito sa mga inaabangan na teleserye noong panahon ng 90’s. Mapa Matanda at mapabata man ay nanood ng teleseryeng ito, dahil ang bida ng teleseryeng ito ay isang napakaganda at napakasexy na aktres na si Thalia na gumanap sa role na si Marimar.

Photo Credit: thalia/Instagram




Ang kwento ng “Marimar” ay umiikot sa istorya ng isang dalaga na lumaki sa kanyang lolo at lola, na kung saan ay kasama niya ang kanyang alagang aso na si Fulgoso na naninirahan sa tabi ng dagat. Ang istoryang ito ay isang love story ng dalaga na nagmahal sa isang mayaman na si Sergio, at ang kanilang mga pinagdaanan upang sa bandang huli ay silang dalawa ang magkatuluyan.

Photo Credit: thalia/Instagram

Marami nga ang sumusubaybay sa “Marimar” ng ang teleseryeng ito ay mamukadkad sa telebisyon. Ang iba sa manonood ay nirerecord pa ang naging episode upang ang kanilang mga kapamilya o kilala na hindi nakapanood ay hindi mapapalabas ang anumang episode nito.

Photo Credit: thalia/Instagram

Isang kahanga-hangang dalaga si Marimar para sa mga manood, dahil ang karakter nito ay isang dalagang babae na handing gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Isang dalaga na hindi magpapa-api sa mga taong gusto siyang saktan o tapak-tapakan.

Photo Credit: thalia/Instagram

Isa rin sa mga karakter ni Marimar na talagang hinahangaan ng mga manood ay ang pagiging matatag niya sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya sa kanilang pagmamahalan ni Sergio.

Photo Credit: thalia/Instagram

Ang aktres na si Thalia ay hindi nga nga naman basta makakalimutan ng lahat lalong lalo na ng mga Pinoy,dahil sa kanyang angking ganda na kabigha-bighani at dahil binihag niya ang puso ng mga Pinoy sa kanyang mga teleserye. Ilan sa mga teleserye ni Thalia na minamahal natin ay ang Rosalinda, Maria Mercedez at ang Maria La Del Barrio.




At ngayon nga sa edad na 48, ay hindi pa rin kumukupas ang ganda at alindog ng aktres na si Thalia o mas kilala natin na “Marimar”. Ang kanyang mukha ay hindi pa rin nagbabago, parang hindi siya tumanda dahil nananatili pa rin ang fresh na fresh young looking face nito at ganun din ang kanyang katawan na napakasexy pa rin. Kahanga-hanga talaga ang aktres na si Thalia “Marimar”.

Photo Credit: thalia/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *