Hipon Girl Naging Emosyonal Ng Pasalamatan Si Willie Revillame Matapos Masalanta Ng Bagyo

Harlene Budol o mas kilala ng publiko bilang si Hipon Girl, naiyak ng magpasalamat sa Tv host na si Willie Revillame, dahil sa ibinigay nitong tulong sa kanya.




Si Harlene Nicole Cabudol sa tunay na buhay, ay nakilala nga bilang si Hipon Girl sa telebisyon. Siya ay isang Filipino actress at comedian, na unang sumikat ng maging parte siya ng programa ni Willie Revillame na “Wowowin”, kung saan siya ay kabilang sa segment na “Willie of Fortune.”

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

At dahil nga sa ipinakitang husay, at pagkakaroon ni Harlene ng masigla at masiyahing personalidad, ay tuluyan siyang kinuha ni Willie para maging regular na host ng nasabing variety game show.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Samantala, kamakailan nga lamang sa latest vlog ni Harlene, ay ibinahagi nito kung paano siya tinulungan ni Willie Revillame, ito ay sa kabila ng hindi siya parte ng programa nito ngayon na Tutok to Win.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Ayon nga kay Harlene noong bagyong Rolly, ay isa sila sa nasalanta ng nasabing bagyo, kung saan ay nasira nito ang bubong ng kanilang tahanan.

Photo Credit: herlene_budol/Instagram

Makikita sa unang parte ng vlog na ito ng dalaga, ang kanyang naging house tour, ito ay upang linawin na rin sa publiko, ang kumakalat na balita, na siya ay nagmamay-ari na ngayon ng isang malaking bahay.

“Bakit nga ba ako nag-house tour?”, Sambit ni Harlene. “Kasi sa YouTube maraming nakikitang mga pekeng bahay ko daw, mga mansion, may sasakyan. Hindi po sa akin yun”, ang naging paglilinaw naman ng dalaga.

Sa kabilang banda, ay dito na nga nai-kwento ni Harlene, kung paano siyang natulungan ng TV host ng Wowowin na si Willie Revillame, matapos ang naging pananalasa ng bagyong Rolly sa kanilang tahanan.

“Speaking of Wowowin, nabagyo po kami ng bagyong Rolly. Nabutas po yung bubong namin, nilipad po yung isang kalahati po nung yero.”

“So nakarating po kay Kuya Wil, at binigyan niya ako ng P20,000 cash. Sabi niya, dito pampaayos daw ng bubong. Ayan, thank you so much po kay Kuya Wil sa 20,000 na binigay niya. Kuya Wil, maraming maraming salamat.”

Ayon nga kay Harlene, ng malaman ng TV host ng Wowowin na si Willie Revillame, na sila ay isa sa mga nasalanta ng bagyo, kung saan ay nasira ang ilan sa mga parte ng bubong ng kanilang tahanan. Ay agad itong nagbigay tulong sa kanya, kung saan ay binigyan siya nito ng pera na nagkakahalaga ng P20,000, na gagamitin sa pagpapa-ayos ng kanilang bubong ng bahay.

Video Credit via YouTube/Hipon Girl

Dito na nga rin nagsimulang maging emosyonal si Harlene. Ito ay dahil ayon sa dalaga, sa kabila ng hindi siya parte ngayon ng programang ni Willie Revillame na “Tutok to Win”, ay hindi pa rin siya pinabayaan ng Tv host, at nagawa pa rin siyang tulungan nito.




“Kahit po wala ako dun sa Tutok to Win, tuloy tuloy pa rin po yung ano niyo, pagbibigay niyo sa akin ng tulong.”

Maliban pa nga sa P20,000 na ibinagay na tulong ni Willie Revillame kay Harlene, ay ibinahagi pa ng dalaga na binigyan rin siya nito ng isang tablet, na magagamit niya umano sa kanyang online class.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *