Humanga Kay Sinulog Queen 2020 Na Si Monika Afable Na Nagtitinda Ng Siakoy Sa Kanilang Lugar

Hindi lang sa kanyang ganda hinahangaan ang beauty queen na si Monica Afable, dahil kahanga-hanga rin ang dalaga sa angking kasipagan nito.



Ang isang beauty queen ay hinahangaan dahil sa kanilang pagkakaroon ng angking kagandahan, talento at katalinuhang taglay, ngunit maliban dito ay nagsisilbi rin silang modelo ng mga magaganda at mabuting gawain upang sila’y tularan ng ating mga mamamayan lalo at higit ng ating mga kabataan.
Image Credit via Google
Ngayon ay isang beauty queen ang talaga namang naging agaw-pansin, hindi lang dahil sa kanilang angking ganda, kundi dahil na rin sa kanyang kasipagan at kasimpleha sa buhay.
Image Credit via Google
Isinantabi ng kinoronahang beauty queen ng Sinulog na si Monica Afable ang kanyang titulo bilang isang beauty queen, upang maghanap ng extrang pagkakakitaan sa gitna ng pagkakaroon ng pandemic COVID-19 upang makatulong sa kanyang pamilya.
Image Credit via Google
Ang pinagkakaabalahan ngayon ni Monica ay ang pagtitinda ng “siakoy” sa kanilang mga kapit-bahay.
Image Credit via Google
Sa isa ngang social media page sa Facebook, ay lumabas ang larawan ni Monika, kung saan ay makikitang ang magandang dalaga ay may dala-dalang malaking baunan na pinaglalagyan niya ng kanyang panindang siakoy.
Image Credit via Google
Ayon sa social media page na nagbahagi ng larawan ng dalaga, ay talaga namang kahanga-hanga ito, at sadyang napaka-down to earth na beauty queen, dahil kahit ano, basta marangal na pagkakakitaan ay ginagawa nito para makatulong sa kanyang pamilya.
Image Credit via Google
Mababasa rin sa facebook page na nagbahagi ng larawan ni Monika, na noong unang buwan ng kasalukuyang taon ng magwagi at koronahan ang dalaga sa sampung naglaban-laban na maging Sinulog Festival Queen 2020.
Maliban pa umano sa pagwawagi ng titulo at korona, ay marami ring mga corporate awards ang nakuha ng dalaga. Tulad na lamang ng Miss Mega Sardine, Miss Tender Juicy, Miss Mcdo Queen, at Miss Robinson Galleria.
Tatlong araw bago rin ang final night ng kompetisyon ay nagwagi rin si Monica bilang Miss Runaway sa Runaway competition.



Tunay nga naman na kahanga-hanga si Sinulog Beauty Queen 2020, Monika Afable, at tunay ngang karapat-dapat siya sa kanyang titulo, hindi lang dahil sa kanyang magandang mukha talino at talento kundi dahil sa pagkakaroon niya ng mabuting pagkatao lalo na pagdating sa kanyang pamilya.
Ano ang masasabi niyo sa angking ganda at kabutihan ni Monika Afable? Isa rin ba kayo sa napahanga ng masipag at butihing dalaga?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *