Dating EB Babes member na si Lian Paz, muling pina-wow ang maraming netizens ng ibandera ang kanyan taglay na kaseksihan sa kabila ng pagiging isa na niyang ina.
Sa kanyang Instagram account noon lamang araw ng Biyernes, ika-8 ng Hulyo ay nagbahagi ng kanyang throwback photo ang former EB Babes member na si Lian Paz. Sa naturang larawan ay makikita ang naging pagbibida niya ng kanyang napakaseksing katawan habang nakasuot siya ng olive green bikini. Ang larawan nga na ito ni Lian ay kuha noong sila ay magbakasyon ng kanyang pamilya sa isla ng Boracay.
“Don’t give up on your body. It deserves the best! [emoji]”, saad ni Lian sa caption ng kanyang IG post na tila paalala din para sa kanyang mga followers.
Matatandaan na noong nakaraaang selebrasyon ng Father’s Day noong buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon ay nagtungo si Lian at kanyang partner na si John Cabahug sa isla ng Boracay kasama ang kanilang mga anak.

Ang isla ng Boracay ay isa sa mga paboritong destinasyon ng maraming mga bakasyunista at turista, dahil sa mla-paraisong ganda ng tanawin nito, idagdag pa ang mga ipinagmamalaki nitong beaches na nagtataglay ng napakalinaw at linis na tubig dagat.
Samantala, sa ibang mga ibinahaging larawan ni Lian sa kanyang Instagram ay makikita din na sa naging pagbabaksyon nila sa Boracay ay hindi niya pinalampas ang trend doon gayon na photoshoot sa crystal kayak, kung saan ay ang naging backdrop nga niya ay ang napakalinaw na blue water ng isla ng Boracay.

Siyempre sa mga larawan na ito ni Lian sa crystal kayak ay talaga namang umawra ng husto ang former EB Babes member, kung saan ay masisilayan nga sa kanyang beach OOTD ang napakagandang hubog ng kanyang katawan. Ang mga larawan nga na ito ni Lian, ay ibinahagi niya noon lamang ika-24 ng Hunyo 2022.

“Can’t miss the new bora trend. This was when my boss mahal @johncabahug87 was asleep [emojis]”, caption niya sa IG post niyang ito.m Marami naman kaagad ang pumuri at humanga sa mga nagagandahang larawan na ito ni Lian. Karamihan pa sa mga komento ay mayroong fire emojies, na nangangahulugan ng ‘burn’ o tila nga pinainit ni Lian ang lahat sa kanyang mga seksing larawan.

“Wow Hinde Patapos Ang Summer [fire emojis]”, komento ng followers niyang si @neil_olivares told Lian. “Absolutely gorgeous and sexy [fire and heart eyes emojis], komento naman ng IG user na si @neil_olivares. Hindi naman nakapagtataka na sa kabila ng pagiging isa ng ina ni Lian Paz ay napatili niya ang kanyang seksing pangangatawan, sapagkat sila ng partner niyang si John ay aktibo sa pagwo-workout at iba’t ibang mga sports.