“I am now officially Mrs. Michael Gurdian” Komedyanteng Si Gladys Guevarra Ipinagmalaki Ang Pagpapakasal

Tatlong araw lamang ang lumipas matapos ibandera ng comedienne-host na si Gladys Guevarra ang kanyang engagement sa kanyang non-showbiz boyfriend, ay ginulat niya ang lahat ng ibahagi niya sa kanyang social media account na sila siya ay ganap ng Mrs. Guardian.




Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ay masayang ibinalita ni Gladys sa lahat na siya at ang non-showbiz boyfriend niya na si Mike Navarette ay kasal na. At kalakip nga ng magandang balita niyang ito, ay ang mga larawan na kuha sa kanilang naging intimate wedding.

Photo Credit: akosigladysguevarra/Instagram

Narito nga ang naging caption ni Gladys sa kanyang IG post;
“I am now officially Mrs. Michael Guardian. Gladys Guevarra Guardian. My forever.. I love you so much. Cheers to our love, for all eternity and beyond.”

Photo Credit: akosigladysguevarra/Instagram

“Every day, masaya akong gigising sa ‘Good morning, my wife’ na bati mo. Ang sarap kasi lagi mo akong pinapangiti sa tawag mo sa akin na Mrs. Guardian.”
“This is the start of our life together. Sobra kitang mahal… Asawa ko.”

Photo Credit: akosigladysguevarra/Instagram

Ayon nga sa dating host ng Eat Bulaga ay ‘excited’ na talaga siya sa pabibagong yugto na ito ng kanyang personal na buhay, lalo na nga’t mararanasan na niya tuwing umaga sa kanyang pag-gising ang pinakasamarap na pakiramdam kung saan ay boses at mukha ng kanyang mister ang una niyang maririnig at masisilayan.

Photo Credit: akosigladysguevarra/Instagram

Agad namang bumuhos ang napakaraming mga pagbati sa kanyang wedding day, mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz, at maging sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa kanyang mga social media accounts.

Photo Credit: akosigladysguevarra/Instagram

Ilan sa mga showbiz personalities na bumati kay Gladys sa kanyang wedding day ay sina Marian Rivera, Lotlot De Leon, Rocco Nacino, Lovely Abella, Kris Bernal, Tuesday Vargas at marami pa ngang iba.

Photo Credit: akosigladysguevarra/Instagram

Kamakailan nga lamang ng ini-anunsyo ni Gladys sa publiko ang pagiging engaged niya sa kanyang partner, kung saan ay nagbahagi pa siya ng larawan nila ng kanyang fiancée, kaya naman talagang marami ang nagulat ng agad-agad ay ikinasal na ang dalawa.

Samantala, matatandaan naman na bago nakilala ni Gladys ang kanya ng asawa ngayon na si Mike, ay dumaan muna ito sa matinding break-up sa dati niyang nobyo na si Leon Sumagui. Ang naging hiwalayan nila ay naging kontrobesyal, matapos ngang mag-away ng dahil sa pera. Engaged na rin noon si Gladys kay Leon, ngunit dahil nga sa nasabing isyu ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.




Ngunit ngayon ay talaga namang maniniwala na tayo na “Fairytales do really happen”, dahil sa kabila ng pinagdaanan na heartbreak ni Gladys, ay agad naman niyang natagpuan ang tunay na pag-ibig sa asawa niya na ngayon na si Mike.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *