“I Just Want A Kid” Julia Barretto Inamin Ang Pagnanais Na Magkaroon Ng Anak

Maganda, seksi, sikat at isa sa mga hinahangaan at popular na aktres ng henerasyon ngayon si Julia Barretto. Hindi maitatanggi na isa rin siya sa mga pinakamahuhusay na aktres ngayon.




Batid rin ng marami sa atin,na mula siya sa mga angkan ng mga artista, dahil ang kanyang ama at ina, ay parehong mga nakilala sa mundo ng showbiz, dahil ang kanyang inang si Marjorie Barretto ay isa ring dating aktres, at ang kanya namang ama na si Dennis Padilla, ay aktibo pa rin ngayon bilang isang aktor.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Ngayon nga ay 23-taong gulang na si Julia Barretto, at tila sa edad nito ngayon, ay “looking-forward” na ito na maging isang mommy, at magkaroon ng kanyang baby.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Sa isang YouTube vlog ni Julia, ay naka-chikahan niya ang kanyang eldest half-sister na si Dani Barretto. Half-sister dahil si Dani, ay anak ng kanyang inang si Marjorie sa aktor na si Kier Legaspi.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Habang masaya ngang nagchichikahan ang dalawa, ay naitanong ni Dani sa kanyang kapatid kung ano na lang ang kulang sa buhay nito ngayon. Wala namang kagatol-gatol na sinagot ni Julia ang tanong ng nakatatandang kapatid, kung saan ay kanyang sinabi na, “A baby. It’s true.”

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Ipinaliwanag naman ni Julia kung bakit nais na niya ang magka-baby sa edad nito ngayon.
“Yeah, that’s the only thing. I just want a kid. Really, it’s really as simple as that.
“I feel like I have a purpose in this world, and that purpose is to be a mother.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

“So, I don’t feel so fulfilled because [I still don’t have it]”, dagdag na saad pa ng aktres.
Ayon nga sa naging pahayag ni Julia, tila ang pagkakaroon na lamang ng anak ang kulang sa kanyang buhay ngayon.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Dahil sa pakiramdam nga niya, ay ang tunay niyang ‘purpose’ sa mundo, ay ang maging isang ina, na magbibigay ng sobrang pagmamahal at pag-aaruga sa kanyang magiging anak.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Maliban pa sa katanungan na ito, ay tinanong rin ni Dani ang aktres, kung ano ang nakikita nito na kanyang buhay sa susunod na 5-taon, kung saan ito nga ay sinagot ni Julia na marahil sa loob ng limang taon ay mayroon na siyang sarili niyang pamilya.

Samantala, sa mga susunod na araw nga ay malapit ng magdiwang ng kanyang ika-24 taong kaarawan ang aktres, at nakikinita nga niya na ang pagiging isang ina ang magiging kapalaran niya pagkatapos ng 5-taon. Umaasa rin umano si Julia, na “in 5 years” ay magkaka-baby na siya.

“That’s just really it. I feel like if you really want to have a lot of kids, you have to start early, I wanna have, like, four, five [kids]”, pahayag pa ni Julia.

Inamin rin ng dalaga sa naging chikahan nila ng kanyang ate na si Dani, na ngayon ay maligaya nag kanyang buhay. Nilinaw rin niya, na hindi lang ang kanyang lovelife ang tinutukoy niya.




Nang mabanggit naman ang mga kontrobersiya na kinaharap niya noon, ay sinabi ng aktres na wala siyang pinagsisihan sa mga naging desisyon niya noon.

Ibinahagi rin ni Julia, na sa ngayon ay tanging mahalaga sa kanya ay ang makasama niya ang kanyang mga kaibigan at higit ang kanyang pamilya. “I really wouldn’t change a thing. I don’t mind going through it all again”, dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *